L.C | 56 |

1.8K 79 8
                                    

| Araina |

Parang baliw na tumatawa si Katana habang nagmamaneho, pabalik na kami ng kampo matapos na dumating sila Argus upang pumalit saamin "yah, they really thought you killed this man!" Yeah, yun ang dahilan kung bakit baliw na tumatawa ang babaeng to. Tranquillizer darts ang gamit ko kanina bilang bala ng pinakamamahal kong crossbow, matapos kong matamaan ang target, agad akong umalis upang tawagan si Jaguar kaya hindi ko alam ang pinagsasabi ni Katana nang makabalik ako sa tabi niya kanina.

"Hoy, may sinabi ka ba sa junior natin kanina maliban sa tignan ang target?"

"Ah? Wala ah" hah, napakawalang kwenta talaga mag sinungaling ng babaeng to. Kanina ko pa to binatukan kung hindi lang siya nagmamaneho eh "by the way, did Jaguar sent Brenda and Bliss to a mission? Hindi ko pa sila nakikita matapos ang gyerang naganap"

"Oh, about that. Pinabalik na sila ng Pilipinas, binigyan rin sila ng mahabang bakasyon"

"They deserve it after being an undercover Supreme for years"

"Yeah" binalingan ko ng tingin ang lalaking nagbabalak na umatake kay Brazzen kanina. Tulog pa rin ito sa backseat, nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga tyaka muling tinuon ang tingin ko sa madilim na daan. Dinalaw nanaman ako ng antok kaya hindi ko na mapigilang mapahikab "tulog ka kaya muna, ilang oras ka pa lang nadischarge bebe Ains"

"Tulog rin naman ako ng tulog habang nakaconfine, ayusin mo pagmamaneho ha. Babatukan talaga kita"

"Yes ma'am" matapos ang mahaba habang byahe ay nakabalik na ulit kami sa kampo. Agad akong nagstretching matapos na makalabas ng sasakyan "ah!"

"Hoy, okay ka lang?" Bakas sa mukha ni Katana ang pag aalala, nginitian ko naman siya tyaka tumango "nastretch rin yata mga sugat ko" nakanguso nitong binuksan ang backseat at kinuha ang walkie talkie niya sa bulsa ng kanyang uniporme "this is major Katana over, we just arrived with ahm unidentified man who's target is Captain Primo. Requesting for assistance over"

"Hoy, ginawa mo naman yatang alien yan"

"Alien naman to saatin ah, bakit kilala mo?"

"Ewan ko sayo" sumipol sipol ako habang nakatingin kay Katana na unti unting kumukunot ang noo dahil sa kausap niya. Pigil ang tawang ipinasok ko ang dalawa kong kamay sa magkabila kong bulsa "kutsilyo, kaya mo na yan. Ang tamad mong magbuhat, busy kami lahat dito"

"Abay potngna, ikaw lang ba ang tao dito?"

"Recorded to, ipaparinig ko to kay Jaguar. Another penalty beybeh"

"HOY! NAKAKABWESIT KA TALAGANG LALAKI KA! NAGHAHANAP KA BA NG AWAY?—"

"Katyyyy, hehe. Naka open to all ang WaTa mo" gulat na nabitawan ni Katana ang walkie talkie niya matapos na marinig ang sinabi ni Pierce "bwesit kasing Ralphado!" Ilang mura pa ang dinugtong niya sa pangalan ni Ralph na umabot ng ilang minuto bago dumating sina Pierce "Supremaaaa~" parang batang tumakbo si Pierce papalapit sa direksyon namin. Unti unti akong humakbang papalapit kay Katana habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa tatlong papalapit "aray, sumakit bigla ang sugat ko Kat. Babalik na ko ng kwarto, bye"

Kumaripas ako ng takbo palayo sa kanila. Paniguradong hindi nanaman titigil sa pagbabangayan ang dalawa at sasabayan pa ito ng walang prenong bibig ni Pierce. Hindi na kaya ng brain cells ko, kailangan ko muna magrecharge. I'm sure tomorrow will be much peaceful– or maybe not "po sir? Ah pwedeng pakiulit?"

Lieutenant Colonel ArainaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon