Sabi nila, ang high school life daw ang pinaka masayang part na mararanasan mo. Dito mo unang mararanasan kung paano maging malaya, magkaroon ng mas marami pang kaibigan, at siguro dito mo rin mahahanap ang una mong pag-ibig.
Yun ang sabi nila... And I guess its true.
May nakilala ako, he is the kind of guy na hindi ko magugustuhan. Bakit? Una sa lahat, ayoko sa gwapings (Babaero kasi pag ganun), ayoko sa lalaking bad boy ang dating, at sa iba pa niyang katangian.
In short, hindi siya ang tipo ko. Pero bakit ang tulad pa niya ang napunta sakin? Bakit siya pa? Bakit ako nahulog?
Noong una, laro lang ang lahat sakin. Pero biglang nagbago ang lahat. Dahil sa sobrang kalandian niya (I mean magaling sa pambobola) ayun, tinamaan ako. Ewan ko nga eh, ang galing niya! -___- Siya ang nagiging dahilan kung bakit dumadagundong sa pagtibok ang puso ko. Ewan ko ba, parang lagi akong kinakabahan kapag nandyan siya okaya naman kapag nakikita ko siya. Hindi din ako makatingin ng diretso sa mga mata niya, dahil baka matunaw na lang ako bigla. Lahat ng 'to first time kong maramdaman, ng dahil sakanya.
He is not my first boyfriend, BUT (capslock para intense) sa tingin ko siya ang naging first love ko. Know why? Sa lahat ng naging ex ko, siya lang naman ang katangi tangi kong sineryoso. Siya lang talaga! the rest, la ko paki dun!
Hindi ko naman talaga binalak na seryosohin ang lalaking yan, kaso nga dumating sa point na nahulog na nga. Sa kanilang lahat, siya lang din ang tumagal para sakin, para sakin lang ah! kaya siguro ganun ko na lang siya minahal...
I am Chelsie Cortez, 19 years old. I am now a third year college student. This story of mine started when I was in high school. Sabihin na lang natin na isang diary lamang ito, na gusto ko lang i-share kung gaano kasaya ang ma-in love and at the same time kung gaano kasakit ang masaktan.
Moving on is the key in every heartaches. Kung nagkamali ka man sa pagpili sa taong yun, isipin mo na lang na he/she don't deserve someone like you...
~~
A/N: Characters are below, for the full info, nasa Chapter 39 yung ibang details. That time ko lang kasi nabigyan ng characters ang story na 'to eh. Sorry ☺ Here are the following characters,
Kathryn Bernardo. as Chelsie
Julia M. as Kayla
Miles O. as Mae
Pamu P. as Jo
Daniel Padilla. as GJ
Enrique Gil as Gelo
Neil Coleta as Emerson
BINABASA MO ANG
Yet Still I'm Falling
Teen FictionMinsan, may mga taong dumadaan sa buhay natin. Dumadating sila dahil may mga bagay o misyon silang dapat gawin. May mga taong literal na dadaan lang talaga, yung tipong pagkatapos kang pasayahin iiwanan ka. Pakshet diba? Hindi lahat ng love story ay...