Chapter 2 : Unexpected Scenario

1.1K 24 0
                                    

Chapter 2

~

Let's Meet Zed

I'm Zedric Lohan Hanmor, 18 years old. Taking BSIT in Hoffle University. Xena is the name of my Bestfriend/Classmate&Childhood Friend.

Cute [/]

Matalino [/]

Humorous [/]

Ahemmm.. Let's continue the story.

....................................................................................................................................

*DingDong* *DingDong*

Agad akong lumabas at pumunta sa gate "Oh Xena, ba't ang aga mo yata?" "Pwede bang pumasok muna bago ko sagutin yang tanong mo?" Binuksan ko naman ang gate at "Ang sungit mo. Meron ka no?" "Tanungin ba naman pati yan?"

......................................................................................................................................

Umupo si Xena sa sofa at umupo naman ako sa tabi nya "Sabihin mo na kung bakit maaga ka" "Penge munang juice" "Aba't ! Demanding ka talagang babae ka eh no?" "Okey.. Eh di hindi ko na sa--" "Hep! Hep! Oo na! Ikukuha na kita mahal na prinsesa" Ngumiti sya "Good"

...................................................................................................................................

"Oh babae! *sabay abo't ng juice*" "Ilagay mo sa table" pagtataray nya "Tsk. Mukhang sumusobra ka yata ngayong araw ah" Inilapag ko naman ang juice sa table at umupo na ulit sa tabi nya "Sorry daw sabi ni Xero" Napakunot naman ako ng noo "Hah?" "Kasi ganto yun (Flashback-repeated)"  "Tss. Ang hilig nya kasing umepal! Tapos ngayon pahiya onte sya, pasorry sorry pa!" *BOINK* "Aray! Bakit ka ba namamatok?!" "Kasi ang arte mo" "Masakit ka--" *RINGGG* *RINGGG* "Xena, kanina pa may tumatawag sa cell phone mo ah? Ayaw mo sagutin?" "Hala! Di ko narinig eh!" Kinuha nya naman ang cell phone nya sa bag nya at "Si Mama! Hala di ko nasagot! Yare ako! Bigti na!" Tumayo ako "Teka kukuha lang kitang lubid" *TOGSH* "Aray! Bakit ka naninipa?!" "Kasi @ss.hole ka" Tumayo sya "Alis na ko Zed, baka mapatay pa ko ni mama" "Eto seryoso na to *hawak sa kamay nya* Kapag sinaktan ka ulit ng mama mo, tawagan mo lang ako anytime. Susunduin kita" Lumapit naman sya sakin at niyakap ako "Thank you Zed, hwag mo ko iiwan ha? Ikaw nalang ang mayron ako" Kumalas naman na sya sa pagkakayakap at "Tara hatid na kita" Tumango naman sya bilang sagot.

...........................................................................................................................

Xena's POV

Nakatanaw ako ngayon sa harap ng bahay namin. Nanginginig na ang mga tuhod ko, parang ayaw ko nang pumasok sa loob. Tumalikod ako at tangkang aalis "Hep! Hep! Saan ka pupunta Xena?!" Dahan dahan ko namang hinarap si mama at "Ah..Eh--" "Pumasok ka sa loob! May pag-uusapan tayo!"

.................................................................................................................................

Nakaupo ako sa sofa habang hinihintay na lumabas si mama sa kwarto nya *EEEKKKKK* Kinilabutan naman ako nang marinig ko na ang tunog ng pinto nya. Umupo sya sa tabi ko at "Aalis na ko bukas, pupunta ko nang New York" Eh di Good! Tumingin ako sa kanya at "Doon ka muna makikitira sa bahay ng business partner ko" "Dito nalang po ako mama" "No. No. Simula bukas lilipat na dito ang Tita Sabel mo, kaya wala kang matitirahan, no choice ka kung aarte ka. Kaya kung may angal ka, tumira ka sa kalsada!" Tumayo sya at pumasok na ulit ng kwarto nya. At AKO?! Naiwan lang naman dito na magiyak ngiyak. Kung buhay lang sana si mommy at daddy, hindi sana ko nag-iisa! Sino si mama? Siya ang pangalawang asawa ni daddy. At noong namatay si daddy dahil sa car accident. Wala pang year na namamatay si daddy may kapalit na sya. Isa talaga syang halimaw sa banga. Bakit?  Dahil lang naman kasi sa isang pesteng banga na nabasag noon ni daddy kaya sila nagkakilala.

..............................................................................................................................

*TOKTOK* *TOKTOK*

Tumayo ako sa kama at binuksan ang pinto "Pinapaabot po ni madame ma'am Xena *abot ng papel*" Kinuha ko naman ito at isinara na ulit ang pinto. Binuklat ko ang papel. Tss. Address lang pala! "Pestesterone ka talagang halimaw ka! Waaaaaaaa!!!! *sabay bato ng unan*" Tss. Kainis! Matawagan na nga lang si Zed *Calling Zed* "(Oy)" "Zed pwede bang makitira sa inyo?" "(Bakit?)" "Mahabang kwento" "(Hah? Ah.. Eh.. Wala kang pupwestuhan ngayon dito Xena eh)" "Osige, Ok lang" *Call Ended* Kainis! Paano na ko nito bukas?! Baka pulutin ako nito sa kangkungan! *RING* *RING* "Zed" "(Sige na, pumapayag na ko, dun ka nalang sa kwarto ko, sa sala nalang ako matutulog)" "Talaga? Thank you bestfriend!" "(Osige na, matulog ka na gabi na)" "Gesge. Nanyt" *Call Ended*

..................................................................................................................................

Kinabukasan~

"XENA!" "Ugh" Sino ba tong istorbong to?! Dahan dahan ko namang idinilat ang mga mata ko "Tita Sab!" Napaupo ako sa kama ko nang di oras, takot ako eh "Alas dyis na nang umaga! Umalis kana dito sa pamamahay ko!" "Bahay po namin to ni daddy" sagot ko "Hindi ba't sinabi na sayo ni ate heide na samin to habang wala pa sya?! Sino ba sa inyong dalawa ang masusunod ha?!" Hindi naman ako nakasagot at tumayo nalang sa kama. Pesteng buhay talaga to! *Calling Zed* "(Xena)" "Zed, pwede na ba kong pumunta dyan?" "(Ah.. Eh.. Osige)" *Call Ended* Pagkatapos ko syang tawagan ay naligo na ko.

Zed's POV

*DingDong* *DingDong*

Baka si Xena na yun. Agad naman akong lumabas at pumunta sa gate "Sorry sa abala Zed" Bungad nya "Ano ka ba Xena. Wala yun" Ngumiti naman sya at pumasok na kami sa loob.

.................................................................................................................................

Sala:

"Kumain ka na ba Xena?" Umiling sya "Tara kain tayo" Yaya ko *EEKKK* Bumukas ang pinto ni mama "Pabilhin mo sya ng pagkain kung gusto nyang kumain. Wala akong ipapakain sa kanya" Napayuko nalang ako nang dahil sa hiya. HInawakan ko ang kamay ni Xena at ngumiti sa kanya "Hwag mong intindihin yun si mama. May regla" Pero deep inside natatakot akong may masabing masama sa kanya si mama "Zed alam kong may mali, kilala kita. Aalis nalang ako para hindi na magalit ang mama mo" "Ha? Eh san ka pupunta?" "Basta, may alam na kong matutuluyan" Tumayo sya at kinuha na ulit ang maleta nya "Mag-iingat ka ah" Ngumiti naman sya at hinatid ko sya na sa labas.

....................................................................................................................................

Xena's POV

Kainis! Deep inside don parin sa address na yun ang bagsak ko! Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa address na yun "Kuya malayo po ba yan?" tanong ko "Hindi naman ma'am. Mga 15-20 minutes ang byahe" sagot ng taxi driver.

................................................................................................................................

After XX minutes   .....

"Ma'am dito na po yun" Inabot ko ang bayad at bumaba na nang taxi. Ang laki pala ng bahay! Gate pa lang pang mansion na "Excuse ma'am, sino pong kailangan nyo?" tanong ng guard "Anak po ako ni Heide Flerington. Pinapunta nya po ako dito" "Ah, kayo po pala yung hinihintay na bisita? Pasok po kayo ma'am" Binuksan ng guard ang gate at pinapasok ako. Bisita? Tss. Welcome naman pala ko dito, buti nalang "TUMABI KAAAAAA!!!" Napalingon ako sa batang nagbabike *BOGSH* Naramdaman ko nalang na may yumakap sakin at nagpagulong gulong kami sa sahig. Yiee. Ang macho naman nitong lalaking yakap yakap ko! "Pwede bang tumayo ka na? Wala tayo sa teleserye para humiga ka nang ganyan sa katawan ko" Napaangat ako nang ulo at tumingin sa lalaki  Emeghed! "Xero?!" "Tatayo ka ba o itutulak pa kita?" Agad naman akong tumayo at nagpagpag ng damit. Tumayo rin sya at nagpagpag ng damit "Anong ginagawa mo dito?" "*hinga ng malalim* Ah.. Eh--"  "Dito na sya titira" Napalingon kami sa nagsalita at "What?! Eto?! *turo sakin* Dito titira?!" "Bakit anak? Magkakilala ba kayo?" Nagkatinginan kami ni Xero. Tapos biglang lumingon sya sa left (d__d) Ako naman ay sa right (b__b) "Hindi" Sabay naming sabi.

Sexy But Not Pretty (My Anton-Nym) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon