Chapter 14
~
Xena's POV
Sumakay ako sa front seat ng kotse nya. Ikinabit nya ang seat belt sakin. Napayuko ako. Feeling ko namumula na mukha ko. Hihi. Tumingin ako sa kanya habang nagdadrive sya. Wafumuch. Parang habang lalong tumatagal mas lalo syang gumagwapo "Xena" "Hmm?" "San mo kinuha yung picture ko sa bahay mo?" Napayuko ako "Ahh.. Ehh.. Napulot ko sa bahay nyo" Pagsisinungaling ko. Yung totoo? Kinuha ko sa FB nya hihihi "Ah.. Ehh. Bakit dinisplay mo?" Napatingin ako sa labas "Wala lang. Gusto ko lang" Itinigil nya ang kotse. Tumingin ako sa kanya "Bakit?" pagtataka ko. Ngumiti sya "Wala akong hard copy non. Kinuha mo sa facebook ko no?" Nanlaki ang mga mata ko. Shet! Buking! "Ahh--" "*grin* Ok lang kahit wag mo nang ipaliwanag. Alam ko namang crush mo ko" pang-aasar nya *BOINK* Binatukan ko sya "Aray! *hawak sa ulo*" Tumingin ako sa labas. Ako na na-awkward! Pagkatapos ay nagdrive na sya ulit.
........................................................................................................................................
Gym:
Tinakpan nya nang kamay ang mga mata ko hanggang sa makarating kami sa Gym "Nandito na tayo" bulong nya. Dahan dahan nyang inalis ang mga kamay nya sa mata ko. Tumingin ako sa buong paligid. Kumunot noo ko. Anong bago dito bukod sa naalis ang mga pakalat kalat na upuan? Tss. Akala ko naman may surprise sya "Xena" Hinarap ko sya. Nakaluhod sya sa harap ko habang inooffer ang kamay nya. Ibinigay ko naman ang kamay ko at tumayo naman sya. Hinawakan nya ang kamay ko at ipinatong sa balikat nya. Inilagay nya naman ang kamay nya sa waist ko. Napangiti ako. Kahit effortless ang sweet. Hindi nya man lang sinabi na gusto nya lang pala kong isayaw. Hinila nya ang waist ko palapit sa kanya. Kinilig naman ako dahil yakap yakap ko na sya. Feeling ko may nagpiplay na music sa tenga ko habang yakap ko sya. Ahih. Kinikilig puso ko "I love you" bulong nya sa tenga ko. Naluha naman ako at natawa. Kumalas sya sa pagkakayakap at tumingin sakin "Bakit?" tanong nya. Umiling ako at niyakap sya ulit "Pwede na kong mamatay" bulong ko. Niyakap nya ko nang mahigpit "Hindi pa pwede. Papakasal pa tayo" bulong nya. Mabilis na tumulo ang mga luha ko dahil sa sinabi nya. It's TEARS OF JOY. Masyado kong nadala dahil sa pagiging sweet nya. Tumigil sya sa pagsasayaw at pinunasan ang mga luha ko. Ngumiti ako sa kanya. Ngumiti rin sya sakin. Dahan dahan nyang inilapit ang mukha nya sakin at hinalikan ako. Napapikit ako. Ang lambot ng mga labi nya. Then he kissed me passionately. Wala akong masabi. Hindi ako makagalaw. Wala akong lakas. Hindi ko makontrol ang sarili ko. Pinulupot ko ang mga kamay ko sa batok nya at hinalikan sya. Ang saya nang feeling. Ang bilis nang tibok ng puso ko. Hinila ang waist ko palapit sa kanya at hinalikan ako nang matindi..
Hanggang Sa ..................................................................................................
"Ahem! Ahem! Excuse me!" Agad kaming bumitaw sa isa't isa at napatingin sa nagsalita.
........................................................................................................................................
Xero's POV
"Ahem! Ahem! Excuse me!" Agad kaming bumitaw sa isa't isa at napatingin sa nagsalita "Jazz, Leira? Ang aga pa ah. Anong ginagawa nyo dito?" tanong ko. Inakbayan ko si Xena at lumapit naman sila. Ngumiti sila kay Xena "Sya yung-- *habang nakaturo kay Xena*" Hindi ko na pinatapos si Jazz "Oo" Ngumiti sya at inakbayan si Leira "Hi. Teammate ako ni Xero, at ito naman *tingin kay Leira* Misis ko *sabay halik sa noo ni Leira*" Napailing nalang ako *grin* Sila na sweet. Ngumiti si Xena "Ako si Xena. Nice meeting you" "Nice meeting you too" sagot ni Leira "Ah sige una na kami nang misis ko sa inyo. Sorry nga pala sa abala kanina" sabi ni Jazz. Napayuko kami ni Xena. Tss. Binanggit nya pa yun. Ang awkward tuloy. Pagkatapos ay naglakad na sila paalis. Napatingin naman ako kay Jazz dahil may sinesenyas sya sakin. Kumunot noo ko "Yakult?" bulong ko. Umiling sya "Bote?" Tumango sya "Sexy?" Tumango ulit sya "Sino?" Ngumuso sya kay Xena na nakatingin sa malayo. Tumigil naman sa paglalakad si Leira at tinanggal ang kamay ni Jazz sa balikat nya. Tapos ay sinipa ang future nya. Nanlaki ang mga mata ko. Hala sya! Tumakbo si Leira papasok ng Locker room "Misis ko!" sigaw ni Jazz. Pagakatapos ay hinabol nya si Leira. Patay na! Tingin ko magkakapart2 ang Loving A Cassanova. But according to Lei, kailangan nya muna raw ng 300 votes para sa kanyang LAC. Haha Pasensya na po sa konting seguey ni Author.
BINABASA MO ANG
Sexy But Not Pretty (My Anton-Nym) (Completed)
RandomThis Story talks about the girl who finds for a true love despite of her imperfections ; and eventually falls inlove with a guy who is really antonym of her.