Chapter 3 : He is Silently Triper

940 26 0
                                    

Chapter 3

~

Xena's POV

Kitchen:

"Mukhang gutom ka iha ah. Ano nga palang pangalan mo?" tanong ng  mommy ni Xero "Xena po" "Ako si Tita Ynna. Iha, may itatanong ako sayo. Hwag mo sanang mamasamain ito" Napatingin lang naman ako sa kanya "Minamaltrato ka ba ni Heide?" Yumuko lang ako at hindi nagsalita. Tumayo ang mommy ni Xero at lumapit sakin "*hawak sa balikat ko* Hwag kang pumayag na saktan ka nya. Dahil pera parin ng daddy mo ang bumubuhay sa kanya" Napaangat ako nang ulo at tumingin sa kanya *RING* *RING* "Excuse me iha, sasagutin ko lang to" "Sige po" at lumabas naman sya. Grabe. Hindi parin ako makapaniwala na nandito ako ngayon sa bahay ni Xero hihi! "Iha" Napatingin ako kay Tita Ynna at lumapit sya sakin "*hinga nang malalim* May problema sa New York ang mommy mo, kailangan ko syang tulungan doon. Can you do me a favor?" Tumango ako "Every Saturday umuuwi ang mga maids namin at Monday sila bumabalik. Pwede mo bang alagaan si Sydney habang wala ako?" Kumunot ang noo ko "Sino po si Sydney?" "Yung batang muntik ng makabangga sayo kanina, kapatid sya ni Xero" Napayuko naman ako "Ah.. Eh.. Sige po" "Thank you iha, kailangan ko na kasing umalis bukas" Nasamid naman ako sa sinabi nya "Bukas po kaagad?" Tumango naman sya.

............................................................................................................................

Pagkatapos kong kumain ay pinasyal ako ni Tita Ynna sa buong bahay "Mahilig maswimming si Xero at si Sydney naman--" Hindi na nya natapos ang sasabihin nya ng tawagin sya ng maid "Ma'am may gusto pong kumausap sa inyo sa telepono" "Iha maiwan na muna kita" Tumango naman ako at umalis na sya. Naglakad lakad lang ako hanggang sa marating ko ang swimming pool sa likod ng bahay nila "*yawn* ang sarap matulog dito, ang lamig ng hangin" Umupo ako sa swing na katabi nang pool at nagmuni muni. Malapit na sana kong makatulog ng biglang may tumulak sakin ng malakas na naging dahilan ng pagkakahulog ko sa swing "HAHAHAHA!!" Napalingon ako sa likod at nakita ang kapatid ni Xero. Awtsu. Mukhang mahihirapan akong makasundo tong batang to "Tumayo ka dyan, antukin!"  Napalingon ako sa left (d_d) Awww! Ang MACHO. Six pack abs. Naglakad sya sa harap ko at nagdive sa pool. Feeling ko napako na ang mga mata ko sa kanya. Tumingin sya sakin at naghawi ng buhok. Napakagat labi ako "Wala ka bang balak tumayo dyan?" sigaw nya "Ganda nang view eh" Napatakip ako nang bibig. Hola! Ano ba yung nasabi ko! "Ano yun?!" sigaw nya. Umiling ako at tumayo "She said, ang ganda ng view" Tumingin sya kay Sydney at napayuko naman ako. Tumalikod ako at mabilis na naglakad paalis "Ganda pala nang view ah!" sigaw nya. Umasim naman yung mukha ko "Grrr! Nakakahiya ka Xena!"

................................................................................................................................

Tumakbo ako palabas ng pool at nakasalubong ko si Tita Ynna "Nandito ka lang pala iha. Kamusta ang paglilibot? Bakit parang hingal ka? Tumakbo ka ba?" Umiling ako "Gusto mo na bang makita ng room mo?" Tumango ako. Hinawakan nya ko sa noo "Namumula ka, mainit ka, may sinat ka ba?" Umiling ako. Tumingin sya sakin ng seryoso "Kinikilig ka?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Umiling ako ng todo "Hahahahaha! Nagbibiro lang ako!" Tss. Pasaway rin pala to si Tita Ynna.

............................................................................................................................

"Dito ang room mo sa left at itong katabi nyan ang kwarto ni Xero. Hwag ka nang magtaka kung malawak ang terrace sa kwarto mo, dahil hindi lang yun para sayo. Twin terrace yun, kaya malamang na magkita kayo ni Xero" Tumango nalang ako. Weeee. Magkikita raw kami ni Xero, hihi! "Osige iha, pumasok ka na sa kwarto mo at magpahinga ka na" "Thank you po Tita Ynna" Ngumiti sya "Your welcome" Pagkatapos non ay pumasok na ko sa kwarto ko.

...........................................................................................................................

Wow! Ang ganda naman ng kwarto ko. Parang ayoko nang umalis dito sa bahay ni Xero ah! Humiga ako sa kama at tumingin sa kisame "Hayyys =) Xero"

Xero's POV

Pagkatapos kong magswimming ay umakyat ako sa kwarto ko. Nagshower at nagbihis. Ang boring, makapunta na nga lang sa terrace "HAWWWKK" Napalingon ako sa left (d_d) Grabe. Ang lakas naman maghilik nun! Tao ba yun? Naglakad ako papunta sa kabilang kwarto at sumilip sa bintana. Natawa nalang ako nang makita kong nakanganga sya haha! Ang pangit na nga parang biik pa! Tss. Makapagsoundtrip na nga lang. Sinalpak ko ang earphone sa tenga ko at humiga sa duyan. Nakakaantok naman dito *yawn*

Xena's POV

*RINGG* RINGG* "Ugh" Tumayo ako at kinuha ang cellphone sa maleta ko "Zed" "(Oh Xena nasan ka na? Bakit di mo ko tinitext?)" "Sorry Zed, nakatulog kasi ako" "(Nasaan ka ba? Saka ayos ka naman ba dyan?)" "Oo, ayos lang ako. Sa school tayo usap bukas ha" "(Sige)" *Call Ended* "Haysh *yawn* *unat kamay*" Makapunta na nga lang sa terrace. Tumayo ako sa kama at binuksan ang pinto papunta sa terrace. Emeghed! Ang gwapo nya! Bakit kaya dun sya natulog sa duyan? Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan sya. Yiee. Wafumuch. Dahan dahan kong hinawakan ang lips nya. Kissable. Yiee! Yummy! Ang ganda nang pilik mata nya parang kinurlash. Ang tangos ng ilong. Ang kinis ng mukha. Yiee! Nikikilig ako! Bumukas ang kanang mata nya at napaurong ako. Tumayo sya "Akala mo hindi ko alam kung anong ginawa mo, may gusto ka ba sakin ha?" Nanlaki ang mga mata ko "Hindi ah! Kapal neto!" Naglakad ako papunta sa pinto nang kwarto ko. Bubuksan ko na sana ito nang hawakan nya ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya *DUGDUG* *DUGDUG* "hagdasgvgf" Shitsu. Ano daw?! Wala akong naiintindihan sa sinasabi nya! Bakit wala akong marinig?! "nsdjgadgadbdbdagyh" Binuksan ko ang pinto nang kwarto ko at pumasok sa loob. Huminga ako nang malalim at humiga sa kama "Yaaaaaaaaaa!!!" mahina kong tili. Kakakilig eh! Hihi!

............................................................................................................................

Xero's POV

Tangkang bubuksan na nya ang pinto nang kwarto nya ngunit pinigilan ko sya. Tumingin sya sakin "Osige, ibahin natin yung tanong. Mahal mo ba ko?" pang-aasar ko. Hindi naman sya sumagot instead ay nakatitig lang sakin "Silence means yes. Tch. Ano? Say something, biik!" pang-aasar ko. Binuksan nya ang pinto nang kwarto nya at pumasok sa loob. Tss. Problema non?! Guilty?! Weird.

.............................................................................................................................

Xena's POV

*TOKTOK* TOKTOK* Tumayo ako sa kama at binuksan ang pinto "Who are you?" Tss. Si Sydney lang pala. Lumuhod ako at ngumiti sa kanya "Ako si Ate Xena. Ikaw si Sydney, right?" Tumango sya "Let's play!" Hinawakan nya ang kamay ko at hinila ko. Hola! San ba ko dadalhin nang batang to?! "Knock on that door *turo sa pinto ni Xero*" Huminga ko nang malalim at dahan dahang lumapit sa pinto. Inilapat ko ang tenga ko para pakinggan kung anong nangyayari sa loob. Ngunit bigla nalang itong bumukas at *BOGSH* Sumubsob lang naman ako sa sahig. Lumuhod naman si Xero at ngumiti sakin "Ilan nahuli mo?" pang-aasar nya. Tumayo ako. Tumayo rin sya. Lumapit ako sa kanya "YABANG!! Hmmp!!" Pagkatapos ay tumalikod ako at lumabas ng kwarto nya. Chenes! Kainis sya today!

Sexy But Not Pretty (My Anton-Nym) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon