Chapter 1 : Xena Meets This Masungit

2K 31 0
                                    

Chapter 1

~

Meet Xena

I'm Newrire Xena Flerington, 18 years old. Taking BSIT in Hoffle University.

Vital Statistics? 35/24/35.

Maputi [/]

Matangkad [/]

Maporma [/]

Mayaman [/]

Maganda? Aahh.. Eehh. Kalimutan nyo na!

........................................................................................................................................

Ang gwapo talaga ni Xero. Parang kahit maghapon lang akong nakapangalumbaba dito sa ilalim ng mesa ay Ok lang. Sino si Xero? Siya lang naman ang love my life ko "Oy Xena!" "Arussh! *sabay hawak sa ulo*" Naumpog lang naman ako dahil ginulat ako ng magaling kong bestfriend, si Zed "Anong ginagawa mo dyan sa ilalim ng mesa?" "Nahulog yung libro" "Nasan yung libro?" "Nasa pwet mo" Pagkatapos kong sabihin yun ay lumabas ako sa ilalim ng mesa at umupo sa tabi nya "Yung libro ba o si Xero?" tanong nya "Eh di si Xero may nakita ka bang libro dito? Wala naman diba?" "Medyo pilosopo ka eh no? Gusto mong matapalan ng napkin yang bibig mo?" "Oyyy! Medyo baboy *habang nakaturo sa kanya*" "Oh my gosh! Sorry Xero, pupunasan ko nalang" Napatingin naman kami ni Zed sa babae at kay Xero "No thanks, ako nalang" sabi ni Xero "Tama yan Xero, gusto lang chumansing ng babaeng yan" "Tss. Selos ka lang kasi" Tinignan ko naman sya ng masama at "Haha. Joke! Maniwala panget!" Inirapan ko lang sya at tumayo "Oh san ka pupunta?" tanong nya "Sa CR sasama ka?" Tumayo naman sya at nagsuot ng bag "Tara" "Gag U" at umalis na ko.

.........................................................................................................................................

Pagkalabas ko nang CR ay iritang irita ko sa skirt ko, kaya habang naglalakad ako inaayos ko. Hanggang sa hindi ko namalayan na may tao pala sa harap ko "Ouch!/Aray!" Napahawak ako sa ulo ko O_______O Si Xero! "Sa loob ng CR ka nga mag-ayos ng damit, kababae mong tao" Napatitig lang ako sa kanya at hindi nakapagsalita. Ang gwapo nya! Nang makaalis na sya ay patakbo kong binalikan si Zed sa labas "Yaaaaaaaaaa!!!" Niyakap ko si Zed sa sobrang saya "Anong nangyari sayo?" Kumalas ako sa pagkakayakap at tumingin sa kanya "Si Xero! Yaaaaa!! *habang tumatalon*" "Ha?" "Nagkaumpugan kami Zed!" "Naumpog ka na nga ang saya mo pa" "Tonta! Syempre--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang senyasan ako ni Zed na tumahimik ako. Hinawakan nya ko sa kamay at hinila papunta sa likod nya. Nagulat nalang ako nang lapitan nya ang isang lalaking nakaupo sa sahig at bigla nyang hinila sa collar "Kanina mo pa chinicheck-out katawan ng kasama ko ah!" sigaw nya. Tumayo naman yung lalaki at nagharap sila "Tch. Katawan na nga lang maganda dyan sa kasama mo pinagdadamot mo pa!" sagot nung lalaki "Loko ka ah!" Nang inambahan ni Zed ng suntok yung lalaki ay biglang dumating si Xero at hinawakan ang kamay nya "Easy" sambit nito kaya naman tumingin si Zed ng masama kay Xero "Easy? Kasama ko ang nababastos dito, tapos sasabihin mo easy? Gag U ka ba?!" Emeghed! Sa sobrang tensyonado nilang tatlo ay naisipan ko nalang na hilahin si Zed palabas ng gym.

..............................................................................................................................

"Kung hindi lang sana ko inawat ng mokong na Xero na yun baka nagulpi ko na yung makalumang taong yun!" "Ang cool ni Xero no? Ahihi" *BOINK* Binatukan lang naman nya ko! "Cool ka dyan! Isa pang hambog yun eh!" Tumigil ako sa paglalakad at "Oyy ha! Hwag ka namang bitter kay Xero" Tumigil din sya sa paglalakad at "Nakita mo naman kung anong ginawa nya kanina di ba? Imbis na ipagtanggol ka dun sa mukhang homo erectus pinagtanggol nya pa! Kaya masisisi mo ba ko kung bakit bitter ako sa kanya? Intindihin mo naman ako Xena, para kasing ipinagtatanggol mo pa sya" Naglakad sya ng mabilis at iniwan ako. Hala galit na bestfriend ko! Di bale na, madali namang suyuin to. Kukulitin ko nalang "ZED!" sigaw ko. Tumigil sya sa paglalakad ngunit hindi parin ako nilingon. Tumakbo ako papunta sa kanya at sumakay sa likod nya "Xena ano bang ginagawa mo?" "Sorry na Zed" at hinalikan ko pa sya sa cheeks "Oo na sige na, bumaba ka na dyan, alam mo nang nakaskirt ka kung makapag piggy back ride ka dyan para kang unggoy" Bumaba naman ako sa likod nya at inakbayan sya "Ang sexy ko namang unggoy" pagbibiro ko "Sexy na yan sayo? Tss" "Ah ganon?" Tumingin sya sakin at ngumiti. And the last thing I know? Naghabulan na kami palabas ng campus.

...........................................................................................................................

~

Let's Meet Xero

I'm Zack Xero Anderson, 19 years old. Taking BSCE in Hoffle University.

Gwapo [/]

Maputi [/]

Matangkad [/]

Matalino [/]

Mayaman [/]

Sikat [/]

Girlfriend? Aahh.. Eehh.. Ibang topic nalang.

.....................................................................................................................................

Gym :

"Pre ipasa mo dito yung bola!" Hinagis ko yung bola sabay sabing "Time out!" Umalis ako sa court dahil nakita ko yung babae kahapon. Lumapit at umupo naman ako sa tabi nya "Ahem" Ibinaba nya ang binabasa nyang notebook at tumingin sakin "Nasan' na yung kasama mo?" Hindi sya sumagot "Naririnig mo ba ko?" Hindi parin sya sumagot "Hoy!" Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at pinitik ang ilong nya "Yung totoo miss? Nakadrugs ka ba?" Nanlaki naman ang mga mata nya at "Ah..Ehh..W-wala sya" "Sige, may sasabihin ako sayo tapos ikwento mo nalang sa kanya" at tumango naman sya bilang sagot.

Flashback:

Pagkalabas ko nang CR ay may nakita akong nag-aaway. Tapos biglang may lumapit sakin "Pare, tulungan mo yung kaibigan ko, ginagangster nung lalaki oh *sabay turo sa lalaking nakahawak sa collar*" Agad naman akong lumapit at hinawakan ang kamay nung lalaki nung susuntok na sya "Easy" Tumingin naman sya sakin ng masama at "Easy?! Kasama ko ang nababastos dito tapos sasabihin mo easy? Gag U ka ba?!" Pagkatapos nyang sabihin yun ay hinila sya ng kaibigan nya palabas. Tumingin ako ng masama sa lalaking kaaway nya at "Binastos mo ba talaga?!" tanong ko. Ngumiti naman sya at tinapik ako sa braso sabay sabing "Salamat pre" Pusapete! Nagkamali pala ko nang tinulungan! "Tch. Salamat mo mukha mo!" *BOGSH* Sinuntok ko lang naman sya at napaupo sya sa sahig "Para san yon?!" tanong nya "Para sa mga gag*ng tuad mo!"

End of Flasback~

"Kwento mo nalang yan dun sa boyfriend mo, pasensya na nagkamali ako" Tumayo ako at naglakad paalis "Xero!" Napatigil ako, kilala nya ko? Sabagay, sikat ako. Lumingon naman ako "Bestfriend ko sya, hindi ko sya boyfriend" "So?" Pagkatapos kong sabihin yun ay naglakad na ko ulit paalis. Tss. Ang weird naman ng babaeng yun.

Sexy But Not Pretty (My Anton-Nym) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon