Chapter 8 : She left

661 19 0
                                    

Chapter 8

~

Xero's POV

Hinawakan ko sya sa balikat "Hindi ko sinasadya yun. Sorry" Inalis nya ang kamay ko sa balikat nya at "Alam mo ang labo mo! Akala ko ba gusto mong lumayo ako sayo?! Kasi diba iritang irita ka sakin?! Ayaw mong kinakausap kita! Ayaw mong lumalapit ako sayo! Tapos ngayon nakikipag ayos ka?! Ang labo mo rin ano?!" Yumuko ako at hindi nagsalita. Oo nga naman, bakit ko nga ba ginagawa to? Bakit nga ba pinipilit kong makipag ayos sa kanya? "Oo nga pala, aalis na ko bukas" Napatingin ako sa kanya at hindi nakapagsalita *DUGDUG* *DUGDUG* Isinara nya ang pinto at naiwan akong tulala. Putsa! Ano to?! Bakit parang nalulungkot ako?!

.......................................................................................................................................

Xero's Room:

Footsack! Nalibot ko na yata lahat ng sulok ng kama ko ay hindi parin ako nakakatulog! Ayaw yata akong patahimikin ng kunsensya ko. Kasalanan ko kasi kung bakit aalis si Xena bukas! Tch.

.....................................................................................................................................

Kinabukasan:

*TOKTOK* *TOKTOK*

"Ugh. Ang sakit ng ulo ko" Tumayo ako sa kama at binuksan ang pinto "Syd, ang aga pa" Niyakap nya ko at bigla nalang umiyak ng malakas "Waaaaaaaa!! Kuya!" Sa tingin ko nagpaalam na sa kanya si Xena. Lumuhod ako at pinunasan ang mga luha nya "Don't cry Syd" "Don't let her go kuya! Please!" Niyakap ko sya "I can't" Kumalas sya sa pagkakayakap at hinawakan ang mukha ko "Are you crying?" Umiling ako. Hindi ah! Akala nya siguro umiiyak ako dahil bagong gising ako. Tumingin sya sa mga mata ko "Kuya, do you like her?" *DUGDUG* *DUGDUG* Umiling ako "N-no. No, Syd. I don't" Yun lang ang nasabi ko.

......................................................................................................................................

Xena's POV

Dahan dahan akong dumaan sa pinto ni Xero habang hila ang maleta ko. Nakita kong yakap sya ni Sydney habang iyak ito ng iyak sa bisig niya. Haysh. Nakukunsensya tuloy akong iwanan sila. Pababa na sana ko nang hagdan ngunit napatigil ako. Binitawan ko ang maleta ko at bumalik ulit papunta sa kwarto ni Xero. Sumilip ako at nakita si Sydney na iyak parin ng iyak "I'm sorry Syd" bulong ko. Pagkatapos kong sabihin yun ay tumalikod na ulit ako at nagpatuloy na sa pag-alis.

........................................................................................................................................

Xero's POV

Sa kakaiyak ni Sydney ay nakatulog na sya sa kama ko. Lumabas ako nang kwarto at pumunta sa kwarto ni Xena. Pagkabukas ko nang pinto ay malinis na ito. Ssshh. Nakaalis na sya. Umalis sya nang hindi nagpapaalam. Yung totoo? Nakakalungkot din pala pag walang Xena. Pakiramdam ko napakaboring ng buong bahay.

.......................................................................................................................................

Zed's POV

Sala:

"Ano bang ginawa sayo nang Xero na yun?" Umirap sya "Nilalagnat kasi ako kahapon, akala ko nga ayos na kami dahil inalagaan at pinakain nya pa ko, and then BOOM! Bumaba ako sa kwarto ko nang mga hapon dahil hindi ko na kaya yung lamig ng aircon. Gusto ko lang sanang ipapatay yun sa kanya dahil hindi ko abot, masyado kasing mataas. Dun sa pool niyakap ko sya kasi hindi ko na kaya" "Then?" Huminga ko nang malalim "Itinulak nya ko" "Itinulak ka lang pala eh" "Sa pool" "Ano?! Aba'y siraulo yun ah!" Tumayo sya "Tara na! Samahan mo na ko dun sa apartment" Tumayo ako "Hindi ka naman excited?" *BOINK* "Aray! Eto naman namamatok agad! Joke lang"

....................................................................................................................................

Xena's POV

Apartment:

"Aling Cora sya po yung sinasabi ko sa inyo, si Xena" sambit ni Zed. Tinignan ako nung Aling Cora mula ulo hanggang paa "Sexy, mukhang mayaman. Bakit hindi magparetoke nang mukha?" Sapakin ko kaya tong matandang busangol na to? Makalait wagas eh! Hinawakan ako ni Zed sa balikat at tumingin sakin "Pagpasensyahan mo na, baka may regla" Tumingin ako sa kanya "May regla eh mukha ngang menopose na" bulong ko "So ano kukunin mo ba o kukunin?" tanong nung Aling Cora. Ngumiti ako "Kukunin ho, wala namang ibang choice sa tanong niyo" Lumapit sya sakin "Nasan ang bayad mo?" "Magkano ho ba?" "3000" Dumukot ako sa bulsa ko at nagbigay ng pera.

....................................................................................................................................

Let's Meet Red

~

I'm Kevin Red Jimenez, 19 years old. Taking BSCE in Hoffle University. When I was a child I met a girl whose name is Xena. Sabi nang iba pangit daw sya, pero ang tingin ko sa kanya ang cute nya. And then finally, sa University ko lang rin pala sya matatagpuan. Ang tagal kong hiniling na makita ko ulit sya, then one day she came again. Ang masaklap lang don I think nakalimutan na nya kung sino ako sa nakaraan niya.

...................................................................................................................................

"Sir sino pong kailangan nyo?" tanong ng guard "Pwede ba kay Xero?" "Papasukin mo sya" Napatingin ako sa nagsalita at nakita si Xero na pala. Pinagbuksan ako nang guard at lumapit naman ako kaagada sa kanya "Bakit nandito ka?" tanong niya. Ngumiti ako "Sa loob nalang tayo mag-usap "

......................................................................................................................................

Nakaupo ako sa couch at sa harap naman umupo si Xero "It's about what?" tanong nya. Ngumiti ako "It's about the girl who's sexy but not pretty" pagbibiro ko. Kumunot noo nya "I'm just kidding, it's about Xena" "What about her?" "Can I get her number?" Ngumiti sya "*grin* Don't tell me, gusto mo sya" "*grin* What if I say--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang senyasan nya ko na tumigil ako "I don't wanna hear that thing *grin* nakakatawa ka" Yumuko ako "May mas nakakatawa pa kaya kung sasabihin kong bata palang  kami ay gusto ko na sya?" Kumunot noo nya "Childhood lover mo sya?" Umiling ako "I'm just a friend" pagkocorrect ko "Wala akong number nya" sabi nya "Sinong maniniwala sayo?" pang-aasar ko "*grin* Sa tingin ko nga kilalang kilala mo na ko" Inabot nya sakin ang cell phone nya at sinave ko naman ang number ni Xena. Tumayo ako "Alis na ko" Naglakad ako palabas ng pinto ngunit bigla syang nagsalita at napatigil naman ako "Wala man lang bang thank you?" Lumingon ako "Wala" Pagkatapos kong sabihin yun ay lumabas na ko.

...........................................................................................................................................

Red's Car:

"(Hello? Sino to?)" "Si Red" "(Red? Sinong Red?)" "*grin* Sabi ko na nga ba hindi mo na ko naaalala. Childhood friend mo ko Xena" Hindi sya sumagot "Oh bakit natahimik ka?" "(Wala akong matandaang Red)" "*grin* Mabuti pa siguro magkita nalang tayo" "(Sige, in one condition. Magsasama ko nang friend)" "Fine. Sa entrance ng mall, 4pm sharp" "(Paano naman kita makikilala?)" "*grin* Don't you worry, magpapakilala ko" "(Kilala mo ba ko?)" "*grin* Kilalang kilala" *Call Ended*

...........................................................................................................................................

Xena's POV

"Kilala mo ba ko?" "(Kilalang kilala)" Sino kaya tong Red na to? Hindi naman siguro sya yung Red na varsity player na kaibigan ni Xero. Chilhood friend ko raw eh. Hayst ewan. Matawagan na nga lang si Zed *Calling Zed* "(Xena)" "Free ka ba mamayang 4?" "(Magrereview ako eh. Alam mo naman exam na natin bukas)" "Oo nga pala, sige ok lang" *Call Ended* Shete! Paano na ko nito mamaya? Paano kung stalker pala yung lalaking yun? Tss. Bahala na nga!

Sexy But Not Pretty (My Anton-Nym) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon