Chapter 13 : Heartbreaking Talks

592 16 10
                                    

Chapter 13

~

Red's POV

"Ugh *yawn* *tingin sa relo*" Gabi na pala! Umupo ako sa kama at napahawak sa ulo ko "Tsk. Sakit ng ulo ko! Teka. Nasaan ako?!" Tumayo ako at agad na lumabas ng kwarto. Tss. Oo nga pala dinala nga pala ko dito ni Xena. Lumapit ako sa kanya habang natutulog sya sa sofa. Hinawi ko ang buhok nya, ang cute nya talaga. Dumilat ang mga mata nya "Red" Umupo sya sa sofa "Gising ka na pala. Uuwi ka na ba?" tanong nya. Tumango naman ako. Tumayo sya at aksidenteng natabig ang polbo habang nag-uunat sya "Tara hatid na kita" sabi nya. Naglakad sya. Ngunit aksidenteng nadulas sya sa polbo at agad ko namang hinila ng waist nya palapit sakin. Napaupo ako sa sofa at napapatong naman sya sakin. Nagkatitigan kami.
O____________________________O
What's next?

 .............................................................................................................................

Xero's POV

"Jazz *tapik sa braso* Una na ko ah!" Tumango naman sya. Patakbo akong pumunta sa parking lot at sumakay sa kotse ko. Teka tatawagan ko muna si Xena *Calling Xena* Tss. Out of coverage! Dead Bat. kaya sya?! Tss. Di bale na pupuntahan ko naman sya.

Matapos ang byahe:

Bumaba ako sa kotse ko nang makita ko na ang 102. Lumapit ako sa gate "Nasaan yung door bell?" Tss. Parang wala. Itinulak ko ang gate at "Luhh.. Bakit nakabukas?" Pumasok ako at tumingin sa buong paligid "Xena?" Tss. Di yata ako marinig dito, bubuksan ko nalang tong pinto *EEEEKKKK* *DugDug* *DugDug*  Napayuko ako sa nakita ko. Dahan dahan kong ikinuyom ang dalawang kamao ko. Nanginginig ako sa galit. Gusto kong magwala pero wala kong lakas.

.............................................................................................................................

Xena's POV

Si Xero! Sht! Agad akong tumayo at lumapit sa kanya. Hinawakan ko sya sa balikat "Xe--" "Lumayo ka sakin" seryoso nyang sabi. Ibinaba ko ang kamay ko. Tumalikod sya at tangkang aalis ngunit niyakap ko sya mula sa likod "Xero pakinggan mo muna ko. Mali ang nakita mo!" pagpapaliwanag ko. Pagalit nyang inalis ang kamay ko at hinarap nya ko. Hinawakan nya ang panga ko at "Walang mali sa nakita ko! Alam mo kung anong mali?! Mali na minahal kita! Dahil MALANDI ka!" Itinulak nya ko at nagsimula nang tumulo ang mga luha ko. Tumalikod sya at tuluyan ng lumabas ng pinto. Napaupo nalang ako sa kinatatayuan ko at umiyak. Lumapit sakin si Red at hinalikan ako sa noo "Hwag kang mag-alala. Kakausapin ko sya. Dito ka lang" Pagkatapos nyang sabihin yun ay patakbo syang lumabas ng pinto.

.............................................................................................................................

Red's POV

"Xero! *hawak sa braso nya*" *BOGSH* Sinuntok nya ko at napaupo ako sa sahig. Tangkang bubuksan na nya ang pinto nang kotse nya ng sigawan ko sya "Ang t@nga mo! Akala ko ba matalino ka?! Uulitin ko ulit sayo para maintindihan mo! Mali ang nakita mo! Klaro na siguro yan sayo! Gusto mo ba ulitin ko pa?! Mali ang nakita--" Lumapit sya sakin at hinawakan ang collar ko "10 words! Ipaliwanag mo!" Kumunot noo ko. G@g0 ba sya?! Gusto nyang ipaliwanag ko sa kanya ang lahat ng nangyari sa loob lang ng 10 words?! Yumuko ako at nagsimula nang mag-isip "(1) Polbo (2) Natabig (3) Natapon (4) Xena (5) Nadulas (6) Tinulungan (7) Napaupo (8) Sofa (9) Nakita (10) Mo" Binitawan nya ang collar ko at tinadyakan ang kotse nya "Aaaaarrrgggghhhhhhhhhhh!!" sigaw nya.

.............................................................................................................................

Xero's POV

Sexy But Not Pretty (My Anton-Nym) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon