Chapter 7 : He ACCIDENTALLY pulled her

733 23 1
                                    

Chapter 7

~

Xero's POV

Sydney's Room:

"Ok ka lang ba dito?" Tumango sya "Gutom ka na ba?" Umiling sya "Do you want anything?" Ngumiti sya. Inilapag nya ang hawak nyang barbie sa sahig at umupo sa legs ko. Tumingin sya sakin "Kuya, can you do me a favor?" Napakunot ako nang noo "Can you kiss Ate Xena again?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya at napatingin sa kisame "*grin* You do not know what you're talking about Syd" Hinawakan nya ang kamay ko at napatingin naman ako sa kanya "She's very happy when you accidentally kissed her. I was just thinking that if you kiss her again, she easily gets well" Kumunot noo ko "Paanong masaya sya?" mahina kong sabi "She was always making tili like there's no tomorrow" Napangiti ako "Para kang matanda kung magsalita" Ngumiti sya at niyakap ako "I think she likes you" bulong nya.

.....................................................................................................................................

Pool:

"I think she likes you" ~

"I think she likes you" ~

"I think she likes you" ~

"Grrrrr!!" Napakamot ako nang ulo dahil sa inis. Dapat ba kong maniwala sa sinabi ni Sydney? Pero bata lang sya, baka namisinterpret nya lang nun si Xena. Tama. Baka nga naguluhan lang sya "Xero" Napalingon ako sa likod at "Xena?" Napatayo ako sa swing ng makita kong nakabalot sya ng kumot at parang nanginginig. Lumapit ako sa kanya ngunit bigla nya nalang akong niyakap ng mahigpit. Hindi ako makagalaw. Hindi rin makapagsalita. Hanggang sa bigla akong natauhan at naitulak ko sya nang malakas *BBSSSHHH* Nanlaki ang mga mata ko nang mahulog sya sa pool "Why did you do that kuya?!" Napatingin ako kay Sydney "What are you waiting for?! Give her a hand!" Napatingin ako kay Xena at automatic na nagdive sa pool para tulungan sya. Shete. Otso. Nwebe! Anong ginawa ko!

................................................................................................................................

Iniahon ko sya sa pool at "Xena! *habang sinasampal sya*" "Xena. Ano ba?! Inuutos kong gumising ka! *habang sinasampal sya*" Hinawakan ko ang ilong nya at inilapit ang bibig ko sa kanya. Pumikit ako. Then? CPR. Kaya lang hindi parin sya nagising. Shet! Kasalanan ko to! Tumayo ako at "TAAAAATTTTTSSSSS!!" sigaw ko "Yes sir?" "Ihanda mo ang kotse pupunta tayong hospital, bilisan mo!"

.............................................................................................................................

Hospital:

"Mabuti at dinala nyo kaagad sya. Marami kasi syang nainom na tubig. Pero ayos na ang lagay nya, wala na kayong dapat pang ipag-alala" sabi nang doctor. Napahinga ako nang malalim at "Hays, salamat" "Why did you push her kanina kuya?" Inakbayan ko si Sydney "Hindi ko sinasadya yun Syd nabigla lang ako kanina" "Ugh" Napatingin kami ni Sydney kay Xena at dumilat ang mga mata nya. Tumingin sya sa buong paligid at lumapit si Sydney sa kanya at hinawakan ang kamay nya "Are you ok Ate Xena?" Ngumiti siya at niyakap ni Sydney si Xena "I'm sorry if kuya accidentally pushed you, he didn't mean it" Tumingin sakin si Xena at inirapan ako. Luhh.. Galit ba sya? Hindi ko naman talaga sinasadya yun ah! Tumayo ako at hinawakan sa balikat si Sydney "Syd alam kong gutom ka na, do you want to buy foods with Kuya Tats(driver)?" Tumango sya "Let's go" Ngumiti sya kay Xena at humawak sa kamay ko. Pagkatapos ay lumabas na kami nang kwarto.

...............................................................................................................................

Bumalik ako sa kwarto at diretsong umupo sa sofa. Tumingin ako kay Xena na nakatingin sa bintana "Galit ka ba?" Tumingin sya sakin "Ay hindi! Natutuwa pa nga ako kasi muntik na kong mamatay kanina! Ang saya diba?!" sarkastik nyang sabi. Yumuko ako at nagkamot ng ulo "Hindi ko naman kasi sinasadya yun, sorry naman" "Kung namatay ba ko magsosorry ka lang din?! Wow thank you ha! I really appreciate it!" Huminga ko nang malalim "Ano bang gagawin ko para matanggap mo sorry ko?" "Wala. Wala ka nang dapat pang gawin dahil punong puno na ko sayo! Punong puno na ko sa kasamaan ng ugali mo!" Matapos nyang sabihin yun ay nagtakip sya nang unan. Tsk. Hindi pala sya galit. GALIT NA GALIT!

...................................................................................................................................

Xena's POV

"Xena tara na" Tumayo ako. Tangkang aalalayan ako ni Xero ngunit umiwas ako. Ayokong hawakan nya ko. Ni ayokong madikit sa kanya. Galit ako sa kanya. Galit na galit! Napatigil ako sa paglalakad ng hawakan ni Sydney ang kamay ko "Are you ok Ate Xena?" Ngumiti ako "Oo naman" "Can you carry me?" Tumango ako. Bubuhatin ko na sana sya nang hawakan ni Xero ang balikat nya "She can't carry you Syd, mahina pa si Xena" Tumingin ako sa kanya nang masama "Kaya ko" Binuhat ko si Sydney at hindi naman sya nakaangal. Subukan nya tatadyakan ko talaga sya ng bonggang bongga! Nang makarating na kami sa parking lot ay patakbong binuksan ni Xero ang pinto nang kotse para samin ni Sydney. Agad naman kaming pumasok at tumabi sya sakin. Umusog ako palapit kay Sydney at niyakap sya "Ate Xena I wanna sleep" "Sige matulog ka lang" "Will you move beside kuya?" Hindi naman ako sumagot instead ay umurong lang ng konti "More" Umurong ulit ako. Shitsu nemen! Habang nasa byahe ay iritang irita ko kay Xero. Bigla bigla nalang kasing tumitingin sakin. Akala nya siguro hindi ko alam ang ginagawa nya! *PPPPIIIITTTTT* Biglang pumreno nang matindi ang kotse at napahawak ako sa legs ni Xero at napaakbay naman sya sakin. Nagkatinginan kami "Pasensya na po ma'am at sir bigla kasing nag-overtake yung bastardong kotse na yun *sabay turo sa kotse*" Inalis ko ang kamay ko sa legs nya at inalis nya naman ang kamay nya sa balikat ko "What happened?" Tumingin ako kay Sydney "Wala yun. Sige lang matulog ka pa" Umiling sya "Can I sit beside kuya?" Tumango ako. Hihi, mabuti nga yun at malalayo na ko sa impaktong lalaking to.

.....................................................................................................................................

Xero's POV

Umupo si Sydney sa gitna namin ni Xena. Tss . Siguro ang saya saya nya! Hinawakan ni Sydney ang kamay ko at ngumiti lang ako sa kanya. Maya maya ay naramdaman ko na lang na hindi na kay Sydney ang kamay na hawak ko. Napatingin naman ako dito at nakita ang kamay namin ni Xena na magkakapit. Tumingin ako kay Sydney. Ngumiti lang sya sakin. Tumingin ako kay Xena. Tss. Kaya naman pala hindi nagrereklamo dahil naghihilik, nakanganga pa nga eh. Natawa nalang ako sa mukha nya "I've never seen that smile before" Tumingin ako kay Sydney. Anong sinasabi nya? "Kuya do you like--" "Sir nandito na po tayo" Agad ko namang binitawan ang kamay ni Xena at "Xena nandito na tayo *sabay kalabit sa kanya*"

............................................................................................................................................

Xena's POV

Pagkapasok pa lang ng bahay ay dumiretso na agad ako sa kwarto ko. Gusto ko lang magpahinga *RING* *RING* Kinuha ko ang cell phone ko sa bulsa ko "Zed" "(Bakit hindi ka na naman nagtitext?!)" "Sorry, kagagaling ko lang kasi sa hospital" "(Ano?! Bakit?! May ginawa ba sayo si Xero?!)" "Mahabang kwento. Sya nga pala, may alam ka bang apartment na pwede kong lipatan?" "(Hay nako Xena! Sana noon mo pa naisip yan! May'ron dito, malapit lang samin)" "Haysh. Mabuti nalang. Osha sige na magpapahinga na ko. Masama pa kasi pakiramdam ko. Tawagan nalang kita bukas" *Call Ended* *TOKTOK* *TOKTOK* Tumayo ako sa kama at binuksan ang pinto. Si Xero "Gusto mo kumain?" bungad nya. Umiling ako. Tangkang isasara ko na sana ang pinto nang pigilan nya ko "Kausapin mo naman ako" Binuksan ko nang padabog ang pinto at "Kausapin kita?! Anong problema mo?! Pagkatapos mo kong muntikang patayin kausapin kita?! Ayos ka lang?!" Lumapit sya sakin at hinawakan ako sa balikat "Hindi ko sinasadya yun. Sorry" Inalis ko ang kamay nya sa balikat ko "Alam mo ang labo mo! Akala ko ba gusto mong lumayo ako sayo?! Kasi diba iritang irita ka sakin?! Ayaw mong kinakausap kita! Ayaw mong lumalapit ako sayo! Tapos ngayon nakikipag ayos ka?! Ang labo mo rin ano?!" Yumuko sya at hindi nagsalita. Huminga ako nang malalim "Oo nga pala, aalis na ko bukas" Pagkatapos kong sabihin yun ay isinara ko ang pinto. Ssshh! Ano to?! Bakit naiiyak ako?!

Sexy But Not Pretty (My Anton-Nym) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon