Chapter 19
~
Xena's POV
*Call Ended* "Arrrgggh! Badtrip ka namang signal ka oh!" sigaw ko sa cell phone ko "*grin* Hwag ka nang magtaka kung mahina ang signal. Ang layo na kaya natin" pang-aasar ni Xero "Nasaan na ba tayo?" tanong ko "Nandito na" Sumimangot ako. Ang lakas talaga mambara nang lalaking to! Itinigil nya ang kotse at bumaba sya "Tara na" Napangiti ako. Hihi. Akala ko joke nya lang yung nandito na kami eh! Totoo na pala hihi. Agad naman akong bumaba dala ang maleta ko. Napatingin ako sa bahay. Ito ba talaga ang lugar kung saan kami magdedate? Eh bakit parang horror house? Luma at nakatakot ang itsura! Err. Creepy! Tumingin ako kay Xero "Ah Xe--Xero *turo sa bahay* dito?" tanong ko. Ngumiti sya "Hwag kang matakot. Nakakatakot lang ang labas pero maganda ang loob. Tara na" Pagkatapos nyang sabihin yun ay naglakad sya papasok ng bahay. Ako naman ay sumunod lang sa kanya.
........................................................................................................................................
Xero's POV
*EEKK* Binuksan ko ang pinto at agad na sumilip sa loob. Kumunot noo ko. Putsapie! Anong nangyari sa bahay ni Tito Jet?! Bakit ganito na ang itsura?! "Xe--Xero. Akala ko ba hindi nakakatakot dito sa loob? Eh bakit parang mas nakakatakot pa dito kesa sa labas?" bulong ni Xena "Ah.. Eh.. Hindi naman ah. Ang ganda nga oh!" pagpapanggap ko. Kumunot noo nya "Ayos ka lang?" sarcastic nyang sabi. Tumingin ako sa buong paligid. Anyaree dito sa lugar na to?! Parang ibinaon ng sampung taon?! Inilapag ni Xena ang maleta nya sa sala at umupo sya sa sofa "Akala ko pa naman perfect date na to! Paasa ka talaga!" sigaw nya. Tumingin ako sa kanya "Eh di gawin nating perfect!" sigaw ko. Kumunot noo nya. Naglakad ako papunta sa kanya at umupo sa tabi nya. Tinitigan ko sya ta hinawi ang buhok nya. Nanlaki ang mga mata nya. Dahan dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya. Pumikit sya at nagsign of the cross . Itinulak ko sya pahiga sa sofa. Niyakap nya ang sarili nya at.. "WAAAAGGG!!" nagsisigaw sya at nagpapadyak. Tumayo ako "Hahahahaha!! *habang nakahawak sa tyan*" Tumayo rin sya "H@yop ka talaga! Bwisit! *habang pinapalo ako*" Hinawakan ko ang dalawang kamay nya at isinandal sya sa pader. Ikinulong ko sya sa dalawang braso ko at tumingin sa mga mata nya "Eto totoo na to *halik sa ilong* I love you" Namula sya. Natawa ko. Ang cyut nya magblush.
........................................................................................................................................
Xena's POV
".. I love you" My gosh! Is this really happening?! Nubeyen. Feeling ko ang pula na nang mukha ko! Kainis naman kasi sya ang sweet nya. Hihi *RINGG* *RINGG* Agad nyang inalis ang pagkakakulong nya sakin ng biglang magring ang phone ko. Tss! Ah oo people! Istorbo tong tumatawag pramis! Ayos na ehh "Bakit ba Zed?!" bungad ko "(Xena--)" *tuttt* *Shutting Down* Err. Beyen! Ano bang kamalasan ang nababalot ngayong araw! Hinarap ko si Xero "Anong problema?" tanong nya "Dead Bat. ako" Agad akong pumunta sa maleta ko para kuhain ang charger ko. Nasan na ba yun?! Tsk. Nasan na?! Hmm. Shete! Naiwan ko pa yata! Arrggghh! Naman! Tumayo ako at hinarap si Xero "Naiwan ko charger ko. May dala ka?" Umiling sya. Tengene. Paano na?! Paano kung mahalaga yung sasabihin ni Zed?!
........................................................................................................................................
Red's POV
"Tawagan mo si Xena. Itanong mo kung nasaan sya, tapos sunduin natin" Tumango naman si Zed at agad na tinawagan si Xena "Biglang namatay pre" sabi nya "Tawagan mo ulit" sabi ko. Tinawagan nya naman ito ulit pagkatapos ay umiling sya "Out of coverage. Dead bat. pa yata sya" sabi nya. Napakamot ako nang ulo. Tss "Patingin nga! Si Zack Xero ba talaga yan?!" Napatingin kami sa likod at "Anong pinagkakaguluhan nila?" tanong ni Zed. Tumayo ako at umiling "Alamin natin"
BINABASA MO ANG
Sexy But Not Pretty (My Anton-Nym) (Completed)
RandomThis Story talks about the girl who finds for a true love despite of her imperfections ; and eventually falls inlove with a guy who is really antonym of her.