Chapter 17
~
Xero's POV
Nakahiga ako ngayon sa kama ko habang nakatingin sa kisame. Si Zoey? Hindi ko alam. Hindi na ko masaya sa kanya tulad ng dati. Pero masaya kong bumalik sya. Si Xena? Hindi ko rin alam. Pero masaya ko tuwing kasama ko sya. Ayun nga lang nagawa kong magsinungaling sa kanya kanina. Tss. Ang sama ko. Pero masisisi nyo ba ko kung ayokong isipin nya na niloloko ko sya? Hindi ko naman talaga sya niloloko eh. Naguguluhan lang talaga ko. Si Zoey kasi ang pinaka unang babaeng minahal ko. At mahirap talaga syang kalimutan. Pero si Xena, mahal ko sya. Naguguluhan lang talaga ko sa nararamdaman ko para kay Zoey "Haysh!"
........................................................................................................................................
Kinabukasan~
"Xero! Wake up!" Nagtalakbong ako nang kumot. Istorbo "Xero!" Sino ba tong istorbong to? Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko at tumingin sa gumigising sakin "Zoey?" Napaupo ako sa kama "Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok?" Huminga sya nang malalim "Ang dami mo namang tanong. Tara, gumising kana. Jog tayo!" aya nya "Kung makapag aya ka parang wala kang hang-over kagabi ah!" pagbibiro ko "Wala sa bokabolaryo ko ang word na hang-over. Lalo na kung para sayo" Napayuko ako at tumayo "Hintayin mo ko sa baba. Magsashower lang ako" Pagkatapos kong sabihin yun ay agad naman syang lumabas ng kwarto ko. Tss. Ayokong marinig yung mga ganong salita nya, naaalala ko yung dating Zoey. Yung Zoey na minahal ko "Haysh"
........................................................................................................................................
Zoey's POV
"...Lalo na kung para sayo" Yumuko sya at sumeryoso ang mukha nya "..Magsashower lang ako" Tumayo ako at naglakad palabas ng kwarto nya. Pagkalabas ko ay sumandal ako sa pinto nya. Tumulo luha ko. Ang sakit. Hindi ko na sya maramdaman. Meron na kaya syang iba kaya sya ganyan? Ano bang nangyayari sa kanya? Hindi na nya ba ko mahal? May pumalit na ba sakin? Pero sino? Bakit walang nagsasabi sakin?
........................................................................................................................................
Nakatayo lang ako sa labas ng pinto ni Xero habang hinihintay sya. Tanungin ko kaya si Jazz? Tama! Kinuha ko ang phone ko sa bag ko at idinial ang # ni Jazz *Calling Jazz* "(Ugh *yawn* Hello. Who's this?)" "Zoey" "(Oh Zoey. May problema ba?)" "Ahh.. Eh.. Jazz, may gusto sana kong itanong. I hope na sagutin mo nang totoo at walang halong panloloko" "(Sure)" "Ahhmm.. May iba ba si Xero?" Natahimik ang kabilang linya "Hello Jazz? Are you still there?" "(Zoey kasi ano eh.. Ayoko sanang manghimasok sa problema ni Xero. Siguro mas mabuti kung sya nalang ang tanungin mo)" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at naiyak na ko. Tama nga ang hinala ko, may iba nga sya. Ang sakit. Pero hindi ako papayag. Buburahin ko ang babaeng yun sa buhay nya "*sniff* Jazz please *sniff* I want to know everything" "(Umiiyak ka ba? Haysh. Sige na nga)" Saglit syang tumahimik "(Xena. Xena ang pangalan nya at nag-aaral sya sa University namin. And I want you to know na may napagkasunduan na kami ni Xero. Next Thursday mamimili sya, it's either that girl or you. Kaya maghanda ka na sa kung ano man ang maging desisyon nya. Para hindi ka masaktan)" Napayuko nalang ako at nagpunas ng luha. Hindi ako papayag na mapunta sya sa babaeng yun. Ako lang ang nararapat para sa kanya. Ako lang at wala nang i-- *EEKK* Bumukas ang pinto at agad ko namang nilagay ang phone ko sa bag ko "Bakit nandyan ka? Sana sa baba mo nalang ako hinintay" Ngumiti ako "Masama bang salubungin ang future husband ko?" Yumuko sya "Tara na sa baba" Pagkatapos nyang sabihin yun ay nauna na syang maglakad. Napayuko naman ako at mangiyak ngiyak. Babalik ka rin. Darating ang araw na ako ulit ang mahal mo. Walang Xena at walang iba. Pagkatapos ay sumunod naman ako sa kanya pababa nang hagdan.
BINABASA MO ANG
Sexy But Not Pretty (My Anton-Nym) (Completed)
De TodoThis Story talks about the girl who finds for a true love despite of her imperfections ; and eventually falls inlove with a guy who is really antonym of her.