P.S. I Almost Died Again When I Met You

2.4K 40 0
                                        

November 9, 2000

Hindi na ako nakapagsulay dahil hindi ko na ulit siya nakita matapos ang sobrang habang months! Noong una inisip ko na baka siguro namalikmata lang ako. Or, hindi siya talaga taga-school namin kasi hindi ko na siya ulit nakita kahit pa balik-balikan ko ang court tuwing recess. Hindi ko rin alam ang section niya o miski ang pangalan niya. Ni hindi ko alam kung anong Grade na siya.

Pero hindi ko inexpect ang nangyari kasi maganda ang araw na ito!

Nakatayo ako noon sa tapat ng Principal's Office, nagdadalawang isip kung ipapasa ko yung article na pinagawa sa akin kasi naghahanap sila ng contributor para sa School Paper at dahil wala ako sa pilot section, wala ako sa kahit anong posisyon sa dyaryo.

May nananakbong lalaki noon papalapit sa akin at dahil nakayuko ako at nagdadalawang isip kung papasok o hindi, nandoon lang ako. nakatungtong sa carpet na may engrave na Welcome! habang mariin akong nakakapit sa papel na sinulatan ko.

"Oy. pwedeng pakiabot kay Ms. Decena? Late na ko sa next subject ko, please lang." sabi niya bago hinawakan ang braso ko, nag-angat agad ako ng tingin at parang nanginig ako na ewan nang makita kong siya iyon.

Yung lalaking nagdo-drawing.

Yun pala ang boses niya, tono ng mang-aasar at palatawa, pero wala sa boses niya ang nambubully. Boses siya ng masayahin.

siya nga ang anghel ko.

"Anong pangalan mo?" iyon ang unang lumabas

sa mga bibig ko bago ko kinuha ang inaabot niya sa akin.

Hindi ko alam kung paano ko napasimple yung tanong ko at hindi ako yung katulad sa Korean Novellas na napapanood ko na biglang magshe-shake ang boses.

"Sabihin mo, Lex, alam na ni Ms. Decena yon."

Tumango agad ako. Tipid na ngumiti siya sa akin at nanakbo na paalis.

Lex ang pangalan niya.

Pero hindi ko inexpect ang nangyari kasi maganda ang araw na ito!

Ang drawing niya.

Isang caricature. Para yun sa School Paper.

Ibig sabihin nasa pilot section siya.

Tinignan ko agad ang likod ng oslo at nandoon ang pangalan niya.

Kumikinang sa Green na tinta ng sign pen ang pangalan niyang buo kasama ang section.

Alexander John R. Belen VI - Sampaguita

Jasmine ako. Section 2. Malayo sa kanya.

Hindi niya ako magugustuhan.

Feeling ko nalaglag lang sa lupa ang puso kong nasa dying stage na habang siya nananakbo paalis, hindi gustong saluhin ang kung anong gusto kong ibigay sa kanya.

—Gabe

P.S. I’m dying to hear his voice again!

P.S. I'm DyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon