GABE

139 13 0
                                    

GABE

How to write a worthy book?

When I was just sixteen, I dreamt of having my story published and be known just like any other successful writers.

Kaso wala akong worth story to publish.

Hindi ko kaya.

I stared at the painting in my room and smiled.

Pinakiusapan ko si Ate Rizanne a year ago na pumunta sa Art Studio ni Lex dahil may Show siya noon para sa latest collection niya ng paintings.

Tinatawag niya iyong:
'Musart'

Kasi lahat ng paintings niya are from his favorite songs, pwede kang magpapersonalize kung gusto mo.

I'm proud of him kasi natupad niya na ang mga pangarap niya.

May restaurant na siya, may art studio pa.

So, ito yung napiling painting ni ate...

Ang daming sabog na colors as background, then may malaking mata, yung iris no'n may hulma ng babaing nakatalikod at hinahangin ang buhok. Then, yung pagkakamix ng colors as background, parang action painting. May hugis siya na parang pa-abstractionism ang style.

Sabi ni ate, ang title daw no'n ay Beautiful in My Eyes.

Natawa ako, kasi bakit parang literal ang image na nakita ko. Then she shook her head, "Titigan mong mabuti yung background, you'll see. Only kung marunong kang magfocus." nakangiting sambit niya sabay alis noon. Ang hilig niya talaga sa pagwo-walk out.

Sabi din niya, ito ang pinaka lumang gawa ni Lex, ito kasi ang pinaka unang work at canvas na humalik sa brush and paint niya.

I stared at the masterpiece, I can't still see anything but just a mix of colors.

Suddenly, I feel pathetic. Halos lahat sila nakamit na ang pangarap, ako na lang ang hindi pa.

Malabo eh. Kasing labo ng posibilidad na maagaw ko si Lex sa asawa niya, though isa iyon sa mga pangarap ko noon.

Wala na akong chance na makapagpublish ng isang worth-reading story.

Kinuha ko ulit ang journal ko sa nightstand at nagbuklat ng random page.

P.S. I'm DyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon