LEX
I looked at the journal, clouds of tears formed on the edge of my lower eye socket, and then slowly, all of it raced down my cheeks and onto the journal page.
My hand shivers and then I forgot how to breathe.
She doesn't like me anymore.
I should stop reading this.
I should send it back to her.
My bad, I read too much and it didn't even give me such relief, pinatibay lang nito ang paniniwala kong si Onyx nga talaga ang gusto niya.
"Mariz?" I asked on the intercom na nakaconnect sa office niya.
A moment after, bumukas ang pinto ko at nakasilip na si Mariz. Nagtaas siya ng kilay as if naabala sa ginagawa.
Ngumiti lang ako ng tipid at ipinakita ang journal, "Busy?"
"Nope, nagpe-facebook lang." ngiti niya.
Yup. She is that Mariz girl on the journal. Kaklase ko rin siya noong elementary, until highschool.
Co-owner ko na siya nitong Roaring Crab's ngayon at isa pa, matalik na kaibigan siya ni Gabe noong high school, kaya siya ang napili kong pakiusapang ibalik ito kay Gabe kasi hindi ko kayang magpakita doon.
"Favor lang, pakisend naman nito sa may-ari." pakiusap ko at inilapag sa desk ko ulit ang journal. Kumunot noo siya at sinabing, "Ano ako, alalay mo?" kunot-noong sagot niya.
Natawa na lang ako sa hitsura niya, "Please, Mariz?"
Inismiran lang niya ako bago niya ginesture ang kamay niya, "Ihagis mo nga sa akin! Tamad-tamad nito!"
Hinagis ko nga sa kaniya at nasalo naman niya agad.
"Kay Gabe yan, handle with care." pahabol ko pa tapos nilakihan niya ako ng mata.
"Nagkita kayo?" gulat na tanong niya.
Umiling ako kaagad.
"Paano napunta sayo ito?" gulat na tanong niya pa rin niya habang tinititigan ang journal ni Gabe.
"Meant for me to find it." tipid ko lang sagot at agad nang tumungo, "Pakisara ng pinto paglabas mo." pahabol ko pa.
"Nabasa mo lahat?" hindi makapaniwalang tanong niya na para bang nabasa niya na lahat ng nakasulat doon.
I shook my head habang nakatungo, "Walang magbabago basahin ko man lahat o hindi."
"Okay, if you say so."
Then all I can hear is silence matapos magsara ng pinto. . .
And then my scream filled in that silence, and then suddenly all I can hear is pain.
BINABASA MO ANG
P.S. I'm Dying
RomanceGabe Franciso, an epitome of too much 'sana'. Lex Belen, a victim of TOTGA--and the ephemeral bliss of high school romance that is forever ingrained on a piece of paper. Dying. Reunion. One is the truth, and the other one is the result--just to brin...