February 13, 2005
I didn't know what I did.
I just. . . ugh!!
Valentine's Fair kasi kaninang hapon, 13 ginanap kasi Saturday bukas.
Dahil bitter kaming mga pilot unlike ng ibang section na pinatos ang Kiss Booth at Marriage Booth para sa Valentine's, kami hindi. Hindi kami lumabas ng room for that thing. Instead, nagpa-chocolate fountain kami para sa amin at sa mga teachers.
Mallows, chips, knicknacks and so on na idi-dip mo sa fountain.
So, nandoon lang ako sa tabi nagpapapak ng chocolate syrup sa cup na sinahod ko sa fountain.
Nagsasarili, nang may pumahid sa mukha ko ng chocolate syrup. Biglaan. In Hades name, nagpapahiran na pala sila! Agad akong tumayo para gantihan yung nampahid sa akin. Pero sumahod ako sa fountain ng ipangpapahid ko hindi yung kinakain ko kasi sayang naman.
Hanggang sa mukha na kaming mga pulubing nagkalat at nagtakbuhan kami papuntang lababo sa CR. Ang daming taga ibang section ang nakatingin sa amin kasi sobrang dumi naming tignan, but who cares when it is our way of celebrating Valentine's? Ang ipamukha sa mukha naming literal ang chocolate ng Valentine's.
IV- Diamond kami, though puro choco stains, may kinang pa rin.
Una utak bago puso.
Pero baliktad sa akin yun. Kasi sa akin, una pa rin ang puso bago utak. Kasi hanggang ngayon, gusto ko pa rin si Lex.
Dumiretso na agad ako sa lababo habang ang iba naghahabulan at nagpapahiran pa rin, kinakati na kasi ang mukha ko.
Nasa lababo si Lex.
Tumabi ako sa kaniya at nagbukas din ng isa pang gripo. Parang casual thing lang na gawin kung titignan ng iba o miski niya, pero para sa akin, move yun.
Naghugas na rin ako.
“Gabe, tignan mo nga kung meron pa.” tanong niya, referring to the stains sa mukha niya. Tinignan ko agad siya. Meron sa right cheek niya.
Napangiti ako ng lihim at tumango sa kaniya.
Hindi ko na sinabi kung saan, pinunasan ko na mismo. Malambot ang cheeks niya.Parang nanlambot pa yung tuhod ko sa ginawa ko, pero kung titignan ang reaksyon niya, parang wala lang sa kaniya yun.
“Wala na,” sabi ko, pagkatapos ay pinunasan ko na yung sariling mukha ko ulit.
Heart beats fast colors and promises talaga ang peg, A Thousand Years ni Christina Perri.
Nahawakan ko ang mukha niya.
Oh, my God.
I was in 6th Grade when I first saw him. Then, 4th Year Highschool na ako, isang Senior, when I touched his face and it's like OH-MY-GOD, after 4 years!
All the love,
—Gabe
P.S. I'm dying to tell him I l—no, nevermind.
BINABASA MO ANG
P.S. I'm Dying
RomanceGabe Franciso, an epitome of too much 'sana'. Lex Belen, a victim of TOTGA--and the ephemeral bliss of high school romance that is forever ingrained on a piece of paper. Dying. Reunion. One is the truth, and the other one is the result--just to brin...