March 1, 2005
Facade Making Contest.
Para sa Mapeh Month. Contest ng bawat section sa 4th Year. 3 Days of work.
First day, nagtagpi-tagpi lang tayo ng cartolina.
Second day, nagsketch si Lex sa malaking pinagtagping cartolina nang binigay na ni Angelina (classmate ko na magaling rin sa art) ang sketch niya sa gagawing facade.Hindi namin natapos kaya iuuwi na lang daw ni Lex at gagawin niya sa kanila kasi bukas na isa-submit.
Hinawakan ko ang kahon ng paint at paint brushes kasi masyadong marami siyang bibitbitin, pati sasabay na rin ako sa kaniya dahil doon dadaan sa dinadaanan niya si Demilyn (seatmate ko sa room), malapit lang kasi sila Demilyn sa school.
Noong makaliko na si Demilyn at kami na lang ni Lex ang magkasamang naglalakad may sinabi siya.
"Bakit nakikipag-usap ka pa doon?"
Curious siya.
Kasi kung tatanungin kung sino ang may attitude problem sa room, marami ang magsasabing si Demilyn iyon, and I do believe them, sometimes lumalabas sa kaniya iyon.
"Seatmate ko siya at saka di naman ako inaaway." natatawang sambit ko.
Napailing na lang si Lex, "Kahit na, alam mo naman ugali no'n, First Year pa lang," sagot niya.
Ngumiti lang ako at iniba ang usapan.
"So, ikaw lang magtutuloy niyan?" tanong ko referring to the cartolina na nakalupi sa loob ng bag niya. Tumango siya.
"Tulungan kita, gusto mo?" pag-o-offer ko sa kaniya. Tumawa siya at umiling, "Huwag na Gabe, baka masira lang yung facade." natatawang sambit niya.
Sinamaan ko siya ng tingin.
"E di ikaw na! Kahit sa pagtulong lang sa pagpaint e." naaasar kong sambit.
"Sige, sinabi mo e." siryosong sagot niya at saka nagmadaling maglakad.
Tinitigan ko lang siya no'n, like what the heck? Akala ko ba ayaw niya tapos biglang papayag e magmamadali naman? Magulo!
Ibinaba niya ang bag namin sa loob ng bahay nila tapos binuksan niya ang gate sa may basketball court na walang bubong sa tapat ng bahay nila.
Naupo kami sa semento malapit sa bleachers kahit na may nagbabasketball, hindi naman siguro kami tatamaan.
Inilabas niya sa kahon ang mga paint brush at paint tapos inilatag ang cartolina.
Ako ang nagpinta mga edges ng sketch at siya sa pagpapatong ng kulay. Hindi namin namalayan ang oras basta siryoso lang kami sa ginagawa.
Nananakit na ang likod ko non kaya umayos ako ng upo at nag-inat, inilayo naman niya ang mukha sa cartolina dahil tagatak na ang pawis niya, puro pintura naman ang kamay niya kaya di niya mapunasan ang mukha.
Pinunasan ko ang mga pawis ko sa mukha ko.
"Ito ang ayaw ko sa paggaganito eh, kapag pinagpapawisan na ko." naasar na sabi niya.Natawa lang ako tapos lumapit ako sa kaniya bago pa siya humanap ng paraan para punasan ang noo niya, ako na mismo ang nagpunas ng pawis gamit ang likod ng kamay ko.
And it is me again, touching his face. Wala na naman akong makita kundi siya. Parang bumalik na naman yung unang araw na nakita ko siya sa court sa school.
"Oh, okay na." natatawang sambit ko sa kaniya nang biglaan may dumaang bola sa pagitan namin.
"Lumalove life ka, Alexandro ah." sabi ng lalaking naghagis yata ng bola sa amin tapos naghubad siya ng suot na sando. Hindi sumagot si Lex sa kaniya at pinagpatuloy lang ang pagpipinta.
"Hi," tipid na bati ko sa lalaki pero tinignan ako ng masama ni Lex na parang ang ibig sabihin ay 'huwag mong pansinin yan'
"Gelo, Angelo, Gwapong Belen, kuya ng patolang nasa tabi mo, ako lahat yon." nakangiting pakilala ng lalaki sa akin, ngumiti ako ng tipid. Mayabang siya na patawa, yon ang naririnig ko sa boses niya, pero ramdam ko rin namang mabait siya. . . siguro.
"Gabe," tipid na sambit ko at inilahad ang kamay ko sa kaniya.
Tinanggap niya naman agad tapos bumalik na rin sa mga kasama niya ng tawagin siya ng mga iyon.
"Kuya mo?" panimula ko kay Lex pero di siya sumagot. Seryoso siya sa ginagawa niya na parang wala talaga siyang balak na sagutin ang tanong ko dahil di halatang nag-iisip siya ng sagot.
Wala siyang balak na pansinin ako.
"Ako na tatapos nito, Gabe," biglang sabi niya noong magdidilim na. Do'n ko lang ulit narinig ang boses niya.
Tumango ako at tumayo na rin habang pinapagpag ang magkabilang kamay.
Tumayo siya at gano'n din ang ginawa, tapos inayos na niya ang mga pintura sa box at tiniklop ang cartolina.Sinundan ko siya palabas ng court at papuntang bahay nila (sa village kasi sila nakatira)
Pagpasok namin sa loob nila, tinanong ko kung nasaan ang lababo, tinuro niya sa akin tapos sabay kaming naghugas. Hindi ako makangiti kahit na ang lapit namin sa isa't isa kasi hindi ko tanggap na kaya niya akong tiisin nang gano'n, na hindi kausapin dahil lang doon and I hated him for that.
Nagulat ako ng dumapo ang daliri niya sa ilong ko at saka ako piningot.
"Bakit nakabusangot ang mukha mo?" he asked.
Hindi ako nagsalita. Kung kaya niyang tiisin ako, so am I.
Pinunasan ko ng tuyo nang daliri ang parte ng ilong ko na hinawakan niya at saka ako pumunta sa sala nila para kunin ang bag ko. Dumaan ang mama niya na may hawak na paperbag tapos dumako ang tingin sa akin na nagsusuot na ng knapsack bag.
"Uuwi ka na hija?"
"Opo,"
"Dito ka na maghapunan, patapos na yung niluluto ko." ngiti ng mama ni Lex. Napakurap ako ng ilang beses bago tumango.
"Sige po,"
Naupo ako sa couch, tumabi sa akin si Lex pero di ko pa rin siya pinansin habang ang mama niya, nandoon sa kusina nila.
"Problema mo?" kunot-noomg tanong niya sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin, "No, I should ask you that, anong problema mo?" asar na bulong ko.
Napailing siya, but he was not smiling, and I think I know why.
"Kalimutan mo na yon." naiiritang sambit niya at saka ginulo ang buhok ko bago tumayo at nagbukas ng TV.
Sana nga gano'n lang kadali na kalimutan yung nararamdaman ko sa kaniya eh. Kasi pagod na rin ako.
Kumain kami nang tahimik, with his mama and kuya asking me the usual questions when getting to know a person, pagkatapos no'n nagpaalam na rin ako at lumabas na.
"Bye," sabi ni Lex bago isinara ang gate nila. I smiled at him bago siya natakpan ng bakal na humarang sa pagitan namin.
And that is the tragic ending, na sana forever na ko doon sa court nila, or sa lababo nila or sa hapag nila, or sa tabi niya so I never have to leave. Kung pwede lang sana. . .
All the love,
GabeP.S. I'm dying to see him again, I badly want to go back kaso masyado nang gabi. Haler! 11:27 PM na kaya!
BINABASA MO ANG
P.S. I'm Dying
RomanceGabe Franciso, an epitome of too much 'sana'. Lex Belen, a victim of TOTGA--and the ephemeral bliss of high school romance that is forever ingrained on a piece of paper. Dying. Reunion. One is the truth, and the other one is the result--just to brin...