P.S. I Almost Died When I Heard That You Read My Favorite Book

701 24 0
                                        

July 24, 2003

I'm a fan of books. Romance, specifically. Napaka hopeless romantic ko, at such a young age. Siguro, na-inherit ko kay Mama. Noong kadalagahan niya, mahilig siya sa pocketbooks.

Dahil do'n sa pagbabasa ko, naka-eyeglasses na ako ngayon.

Too much reading until late nights.

I heard my classmate said that Kriztie has a book by Jennifer Crusie. Pinag-uusapan ng ibang mga kaklase ko yun kaninang umaga kaya nagulat ako.

Jennifer Crusie is one of my favorite author. I read her works The Cinderella Deal and What The Lady Wants. Gustong-gusto ko na ngang mabasa ang Getting Rid of Bradley niya kaso wala akong mahanap na gano'n sa book stores at miski sa mga book sales.

"Grabe ang ganda talaga!" natutuwang sambit ni Rowell.

Tumili si Mary Maine. Hindi ko pa alam noong una kung ano yun kaya tinanong ko si Mary Maine kung anong meron.

"Yung Getting Rid, Gabe! Ang ganda, grabe! Basahin mo!" natutuwang sigaw ni Mary Maine.

Nanlaki ang mga mata ko. "Hala! Nasaan? Kanino?" gulat na tanong ko.

"Kay Kriztie yon, hiniram ni Lex." sagot ni Rowell.

I gulped when I heard it.

He's reading my favorite book? A romance book, might I add?

Pinuntahan ko agad si Lex.

"Oy! Ako sunod sa Getting Rid ni Kriztie ha." paalam ko sa kaniya.

"Hala, tatagal pa sa akin yon, binabasa ko lang bago matulog eh. One chapter, one night." sagot niya.

Sinamaan ko siya agad ng tingin.

That won't work with me. I need to get that book.

"Hala, bahala ka, pupunta ako sa inyo." sagot ko.

Tumawa siya.

"Pumunta ka, lumipat na kami eh."

Inirapan ko lang siya at saka ako nagmartsa palayo.

"Sige, dadalhin ko bukas!" sigaw niya.

Napangiti ako ng lihim.

With that I know I won big time:

I'm going to read my favorite book which happen to be in his hands before in mine, and I'm honored to do so. And to have my crush reading my favorite book, is another privilege.

All the love,
Gabe

P.S. I'm dying to talk with him about the book we both know!

-

GABE

This page made me smile.
Another good memory to treasure.

P.S. I'm DyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon