June 16, 2000First time kong magsulat sa journal!
Nakakita kasi ako ng lalaki sa may court. Hindi ko alam ang pangalan niya.
Hindi ko alam, pero siguro ito na 'yung sinasabi nilang crush kaya ko siya gustong titigan. Ang ganda niya sa paningin ko. Parang mabagal na hinahangin ang buhok niya, habang nagdo-drawing siya sa court. Nasa tabi niya ang kahon ng mga pastel at water colors. Seryoso siya sa ginagawa niya. Wala siyang pakialam sa ingay sa paligid niya.
Kaya naman no'ng umuwi ako, nagpabili agad ako kay mama ng journal. Gusto ko siyang i-drawing. Hindi siya mawala sa isip ko. Pero wala akong talent sa drawing. Isa pa. inakala ni mama na journal na material for writing. Hindi ko nalinaw sa kaniyang for drawing purposes. Pero kung tutuusin okay na rin. Baka sinadya iyon ng Diyos, at gusto niyang isulat ko na lang ang kuwento namin ng lalaking iyon.
Gagawin ko na itong journal para sa kaniya. Para sa taong crush ko.
—Gabe
P.S. I'm dying to know him better.
BINABASA MO ANG
P.S. I'm Dying
RomanceGabe Franciso, an epitome of too much 'sana'. Lex Belen, a victim of TOTGA--and the ephemeral bliss of high school romance that is forever ingrained on a piece of paper. Dying. Reunion. One is the truth, and the other one is the result--just to brin...