P.S. I Amost Died When You Held My Luggage And Placed It On The Seat Beside You

855 23 3
                                    

October 15, 2004

Field Trip kanina.

I was too tired to write kaso di ako matahimik sa mga nangyari kanina. So, I decided to write it down.

Kasi ganito yun!

I was wearing my earphones on.

Jacket on.

Scarf on.

Lollipop on!

Pagbaba ko ng tricycle with my mama carrying my...

Let's say ‘luggage’.

Kasi nagdala ako ng extra shirt and pants kasi mag-e-Enchanted Kingdom kami sa Sta. Rosa, Laguna at mababasa ako sa Rio Grande. Dahil na rin sa snacks at pillows ko na hindi ko maiwan, ‘luggage’ talagang matatawag yun.

At... dala ko kasi ay pang-hiking na knapsack ni Dad. Nagpaalam naman ako sa kaniya sa grave niya, so I know he allowed me!

So ayun nga ‘luggage’, ta's dinala ko si Mama sa pila ng Diamond, pero late na pala ako kasi when I asked the Crystals (next section, bale section 1 sila) papunta na sila sa Bus No. 12, sabi nila nasa bus na ang Diamond.

Bus No. 11.

So, I kissed my mama goodbye at binitbit na ang luggage ko papasok sa Bus No. 11.

Sabi ng classmate ko na si Desirie, tabi kami sa bus. Pumayag ako. Kaya pagpasok ko, hinanap ko siya in each seats kaso wala pa pala siya and wala ng seats na for two kasi lahat sila nakapagsave na para sa mga katabi nila and if

I did not make myself sit, malamang sa gitna ako uupo. Yung removable chairs sa way ng passengers? Ayun ang pinaka ayaw kong seat! Mas okay na kahit di na ako sa tabi ng bintana huwag lang sa removable chair na iyon!

So, I texted Desirie, asking where she is. Sagot niya, on the way pa lang.

I should wait because I know that I'm a good friend but I did not wait para samahan siyang magdusa sa removable chair na iyon... kasi lumapit si Lex sa akin at kinuha ang ‘luggage’ ko.

Without questions, without greetings or even permissions, kinuha niya at dinala iyon sa upuan niya! So, ako naman itong si sunod sa kaniya. Nilagay niya ang ‘luggage’ ko sa dulo, sa may bintana. Then, hinintay niya akong maunang maupo, of course, sa dulo ako eh. Tapos ayun naupo na rin siya.

"Thanks." maikling pasalamat ko at ibinaling ang atensyon sa bintana. Ang totoo niyan kasi hindi ko mapigilang ngumiti.

Did he just...?

Yes. He did.

Nakasuot ako ng earphones noon at malakas ang music kaya siguro di ko narinig kung may sinabi ba siya bago kinuha yung ‘luggage’ ko but I couldn't careless. Duh? I sat beside him! Ayun ang importante.

Kinalabit niya ako kaya lumingon ako.

Bumubuka ang mga bibig niya, halatang may sinasabing hindi ko marinig kaya agad kong hinawi ang buhok ko para makita niyang naka-earphones ako at saka ko tinanggal ang earphones ko.

P.S. I'm DyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon