April 5, 2005
FAREWELL OUTING NG DIAMOND
(Actually kahapon pa yun, April 4. Hapon kasi kami nagswimming tapos nag-extend pa ng over night kasi kami at di ko dinala ang journal ko)
After magswimming, nasa resort na kami (private ang resort na 4 lang ang kwarto) at magkakahiwalay ang room ng girls sa boys. Bawat kwarto kasi ay may dalawang kama lang. Yung bawat kama na iyon ay tatlo-tatlo ang kutson kaya talagang para kang yung prinsesa sa Princess and the Pea sa lambot at taas ng kama.
Since, makakapal ang kutson at walang papag iyon, puro kutson lang, ang ginawa namin para magkasya-kasya ay pinaghiwa-hiwalay ang kutson at inispread sa buong kwarto. At since 13 lang ang boys at 37 ang girls, ang buong boys nasa isang kwarto lang habang ang girls hinati sa dalawang kwarto. (Tig-13 sa dalawang natirang kwarto) habang sa ikaapat na kwarto, si Ma'am ang nandoon, kasama ng 11 pang babae.
Nasa room 2 ako kasama ang 12 na babae.
Sila:
-Mariz
-Pan Jee (half-korean siya na classmate ko, singkit lang ang dulo ng mata niyang bilog na bilog (koreana talaga) medyo chubby at sobrang puti.)
-Jonalou
-Stephanie
-Beautie
-Rosemay
-Rosline
-Cherry Ann
-Baby Gale
-Jannelle
-Desirie
-Dhydrey
Sila lahat ang kasama ko. Sila Kriztie kasi napunta sa kabilang kwarto (room 3). Habang si Lex nasa room 1. Habang ang iba pang girls, nasa room 4.
Lumabas muna ako kasi puro kwentuhan sila at ang iingay nila. Magbababad muna ako sa pool.
Tumalon agad ako. Hindi ako marunong lumangoy kaya nasa gilid lang ako.
Tapos may flash ng camera kaya napatingin ako.
Si Lex.
Ngumiti ako sa kaniya tapos kumaway, sabay sabing, "Oy! picture-an mo ko!"
Ngumiti siya tapos umahon ako sa tubig at naupo sa edge ng pool.
Tapos bigla siyang tumawa, "Malas mo, Gabe! Shut down na."
Sinamaan ko siya ng tingin at nilapitan, "Patingin nga baka niloloko mo lang ako. Kakaflash lang kanina ah."
"Kanina pa to dead bat, sira" sagot niya. Nagmake face lang ako at sinabing, "Bahala ko, i-drawing mo ko dito sa pool!" reklamo ko.
Sinamaan niya ako ng tingin na parang payag siya sa hamon ko, "Sige ba!"
Natawa ako at nanakbo papunta sa inupuan ko kanina, "Game!"
"Wala akong lapis at papel, Gabe."
"Maghanap ka." sagot ko sabay inistick out ang dila sa kaniya. Napailing lang siya at agad tumakbo sa papunta sa reception area.
Nakakuha siya ng lapis at dalawang notebook pages.
Dinrawing niya ako. Matapos yun, binigay niya sa akin kasama ang isa pang papel na di na nagamit.
Hiniram ko yung lapis at naupo sa malapit na cottage noong nagpaalam siyang magsi-cr. Gusto ko siyang sulatan.
Umamin na kaya ako...
Sumulat ako. Tatlong salita lang ang naisulat ko.
I like you.
Agad kong nilukot tapos nanakbo ako sa trash bin.
No, I can't tell him what I feel. Masisira kasi ang friendship namin.
Tapos nanakbo agad ako papuntang kwarto. Tinignan nila ako kasi basang-basa ako at walang tuwalya. Naiwan ko pala sa baba.
"Grabe, di ka pa nagsawa Gabe?" natatawang sambit ni Mariz. Dinilaan ko lang siya.
"Hayaan niyo nga si Gabe!" natatawang sambit ni Jonalou.
Tiniklop ko ng maayos ang papel at inilagay sa wallet ko at saka ako nanakbo pabalik sa pool para kunin ang twalya.
Nadulas ako sa tiles tapos nalaglag sa pool. Doon pa talaga sa part na malalim, and swear, di ko alam ang gagawin, kakawag-kawag lang bago ako sumigaw ng "Tulong!"
Pero bago ko pa matapos yung word na iyon, may nakatalon na sa tubig. Nakita ko na lang ang sarili kong nakahon na yakap siya.
I could have died last night if he hadn't came to get me, to save me rather. I just hugged him habang ubo ako ng ubo. Hindi namin sinabi kay Ma'am o sa mga classmate namin kasi kapag nalaman yun, baka umuwi kami ng wala sa oras.
All I know is he's hugging me there, at the same spot where he sketched me. And I know that "that night" is the night he stole my already broken heart.
I can remember it all. Kung iisipin, parang kanina lang nangyari at di ko maiwasang mapangiti.
My heart could have died. . . could have stopped beating that night, but he saved my dying heart. . . he even stole it.
All my love for him,
Gabe
BINABASA MO ANG
P.S. I'm Dying
RomanceGabe Franciso, an epitome of too much 'sana'. Lex Belen, a victim of TOTGA--and the ephemeral bliss of high school romance that is forever ingrained on a piece of paper. Dying. Reunion. One is the truth, and the other one is the result--just to brin...