P.S. I Almost Died When They Want Anthony To Give Speech For Her Birthday

731 25 0
                                    

August 6, 2005


Gabe,

Happy Birthday! I know I greeted you for so many times, kahapon pa, pero binabati ulit kita.

Naasar lang ako kasi bakit gusto nilang magbigay ng speech si Onyx para sa birthday mo, kahapon?
Tapos narinig ko yung sinabi mo sa kaniya noong English Class ng magreport ka.

Anong ibig sabihin non? No'ng, "Onyx! Ikaw kasi eh, pinaalala mo pa 'yan tuloy, binabati ako!"

Bakit akala mo ba siya lang nakaalala sa birthday mo?

Binibilang ko kaya ang mga araw kung kailan ka magbe-birthday, pero nahiya lang akong bumati kasi hindi naman talaga kahapon ang birthday mo, kundi ngayong Sabado. Pagpasok mo walang bumati sayo, mga busy sila. Iniosip kong walang nakaalala o kaya naman ay pupunta sila sa inyo bukas, kaya hindi na ako bumati kasi ayaw kong sabihin nilang ako lang ang nakaalala at excited, at baka isipin pa nilang crush kita. Crush kita, oo, pero ayaw kong may makaalam.

Kaya naasar ako nang itanong ni Ma'am kung sino ang gustong magspeech para sa birthday mo.

Sumigaw ng "Ma'am, si Onyx!" yung mga katabi ko at alam kong kinilig ka kasi nagtakip ka ng mukha.

Hindi ko alam kung bakit si Onyx ang pinili nilang magspeech, tapos nalaman ko na kaya naman pala, kasi crush na crush mo siya.

Hindi nagspeech si Onyx, nagtakip lang rin ng mukha katulad mo. Tapos sinabi ni Toby sa kabilang table na may similarities kayong dalawa kaya bagay talaga kayo.

Nagselos ako, oo, kasi ano bang similarities natin?

Nagseselos ako at naiinis dahil doon.

Kasi alam ko siguro nga matatangkad talaga ang gusto mo. Akala mo ba di ko alam na crush na crush mo si Chester noong First Year pa lang tayo?

Matangkad din yun, nagbabasketball, kaso moreno hindi maputi. Pero gusto mo pa rin. Sumulat ka pa sa kaniya diba noong Valentine's Fair noong First Year tayo. Nagseselos pa rin ako. Sa dadating Valentine's Fair kaya, susulat ka sa akin?

Alam kong ang laman ng unang sulat ko hanggang itong pang-71 ay di puro love, alam kong para itong rants at hindi sweet letters at sorry. Hindi ko talaga alam eh, kasi gustong-gusto kita pero iba ang gusto mo.

—Lex

P.S. I love you...

P.S. I'm DyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon