P.S. I'm Dying to Write this End Piece

1.4K 36 9
                                    


November, 2007
Present Day

Tiningala ko ang kisame. Kisame na paulit-ulit humahalik sa akin bago matulog, at bumabati sa akin paggising ko sa umaga.

Ang tagal ko nang nandito sa iisang kuwarto. Napagod na ako sa kabibilang ng araw kung kailan ako maaring makalabas.

Imposible na yata. Napapikit ako at saka ay bumuntong hininga, bago ko inakap ang manuscripto sa aking dibdib.

Matapos ang walang katapusang drama ko sa buhay, iinalansan ko na ito nang maayos at maingat na inilagay pailan-ilan sa kahon sa tabi ng kamang hinihingaan ko.

Nanghihina na ang katawan ko, hindi ko na kaya ang mabilisang gawain.

"Gabe! Why didn't you wait for me to do that?" saway ni ate nang pumasok siya sa hospital room ko sabay lapag ng supot na bitbit niya sa nightstand sa tabi ko.

"Baka kasi magkahiwa-hiwalay yung type writings." mabagal at mahinahon kong sagot.

Bumibigat na ang dibdib ko sa bawat paghinga ko. Alam ko na baka any time, mamamatay na ako... or worst, any minute.

"Gabe, sinabi ko na sa dati mong classmates ang nangyari say-"

"Ate, 'diba sabi ko, ayaw kong malam-"

"Gabe, listen. They should know. They need words from you. Anong gusto mo, asahan ka nila sa reunion ninyo eight years from now?" kunot-noong sabi niya.

Dahan-dahan akong napailing bago sinabing, "Ate, please... alam ko naman. I just can't stand the feeling."

"Gabe..." sambit niya sa malumanay na boses at saka hinaplos ang kamay ko. "It will be healthy for you kung makakakita ka ng visitors instead of just me and Mom. Come on, Gabe. Maybe, they'll cheer you up... baka... humaba pa ang..." nakita ko ang pag-agos ng mga luha niya. Pinunasan niya iyon kaagad. Huminga siya ng malalim, tapos ay hindi na niya itinuloy pa ang sinasabi niya.

Naupo siya sa edge ng hospital bed ko at niyakap ako. Nagsunod-sunod na rin ang pag-agos ng mga luha ko. Kahinaan ko talaga, kapag nasasaktan rin ang mahal ko sa buhay.

"Mamimiss kita, ate." bulong ko sa kaniya.

"Ikaw lang ang kapatid ko eh, mamimiss kita ng sobra." bulong niya pabalik sabay halik sa temple ko.

Inayos niya ulit ang higa ko at pinagbalatan ako ng apples. Hinihintay kasi namin si mama na bumili lang ng pagkain.

May kumatok.

Tumayo agad si ate hawak ang kutsilyo at kalahati ng apple. Binuksan niya ang pinto habang naggagayat ng bite sizes.

"Ma-Oh my, nandiyan na pala kayo! Pasok." napalingon agad ako sa pinto nang marinig ko ang greetings ni ate Rizanne.

Kumulo sa takot ang tiyan ko. Ayaw kong makita nila ako sa ganitong kondisyon.

"Gabe!" sigaw agad ni Jonalou at Mariz sa akin sabay takbo papalapit sa kama ko.

"Kumusta ka na? Akala namin nag-aaral ka rin sa college... Gabe, bakit naman ganito?" nalulungkot na sabi ni Mariz, ngumiti lang ako ng tipid.

"Akala ko nga rin eh. Ang dami ko nang naiwang homeworks. Hindi na ako makakahabol." mahinang sagot ko.

"Kumusta ka na, Gabe?" tanong ni Kriztie, isa sa mga classmates ko dati. Ngumiti lang ako sa kaniya at nag-okay sign.

"Sinabi mo na kay Lex?" tanong naman ni Jonalou. Umiling agad ako.

Ayaw kong sabihin kay Lex na crush na crush ko siya kahit paganito na ang kondisyon ko-malapit sa nag-aagaw buhay. Si Sheryl kasi ang gusto niya! Not me!

P.S. I'm DyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon