GABE

688 18 0
                                    


GABE

Ni-rerevise ko na ang draft ng article ko sa tanggapan namin para maipasa ko na kay Jing.

Nandoon ako sa cubicle ko, katabi ng kay Kriztie. Busy siya sa tinatype niya sa computer.

"So, narinig mo na yung news?" she asked out of nowhere, ni hindi ko pa nga sure kung ako ang kausap niya so I looked at her.

She's not looking at me, busy siya sa tinatype niya so bumalik ako sa ni-rerevise ko.

"Hey, Gabe? Buhay ka pa?" she asked again, lumingon ulit ako sa kaniya and this time, she's looking at me.

"Anong news ba?" tanong ko bilang sagot sa kaniya sabay bitaw sa mouse ko at inikot ang swivel chair paharap sa kaniya. She did the same.

"About Lex. . ." maikling sagot niya sabay tawa ng mahina.

"What's with Lex?" curious kong tanong.

"You didn't know?" gulat na tanong niya, nanlalaki pa ang mga mata.

"Magtatanong ba ko if di ko alam?" I snapped.

"My God, Gabrielle! You're so late. Nasaan ka ba?" natatawang sagot niya.

Sinamaan ko siya ng tingin at saka humarap na ulit ako sa computer ko. "If you're just going to laugh at me then very well, Kriz, but I have a work to do so fuck off."

"Grabe ka naman Gabe, ang tigas na rin ng dila mo e ano?" nakangusong sagot niya.

"Gagayahin mo pa yung bruha sa dulo," dagdag niya sabay lingon sa likod—sa pwesto ni Xaviel.

I pursed my lips and gave her my poker face. She smiled at me, pero noong marealize niyang hindi ako natutuwa, nag-sigh siya sabay sabing, "Fine. Kasi itong si Lex, nakakatawa lang. I can't really imagine na wala pala talaga siyang asawa? Bali-balita may anak na, then yung anak pala hindi sa kaniya! Sa kuya pala niya, siya lang ang parang tumatayong—you know, ama. Grabe ano?" I bit my lip and stopped myself from talking back.

Yes, I know that Kriztie. Sinabi ni Xaviel sa akin.

"Akala ko may asawa na talaga . . ." pagsakay ko sa sinabi niya. Tumango-tango naman ito sabay sabing, "Yeah. Akala ko rin nga eh. . ."

Umayos na ulit ako ng upo para ipagpatuloy ang pagrevise sa draft ko.

Napakagat labi ako habang iniisip ang unang araw na nakilala ko ang sinasabing asawa niya daw na hindi nga naman totoo. . .

Meet Cheska and this cute little kid. . . my family.

He introduced them as family. . . which only means. . .what?

Family.

Why didn't he say 'my brother's family' instead? Maybe, kasi family niya rin iyon. . .

But why would that be his family? Nasaan ang bahay niya, ang mga magulang niya?

Maliban na lang kung doon siya nakatira sa bahay ng kuya niya. . .

Teka, bakit naman doon siya titira e pwedeng-pwede na siyang makabili ng bahay niya dahil malago naman ang business niya. . .?

But, if ever nga na doon siya nakatira, bakit naman siya magiging ama-amahan ng anak ng babaing yun kung ang asawa nga nong babae ay ang kuya niya?

Then noong tumawag ako sa kanila dati, pakilala niya Mrs. Belen. . .

My God, Gabrielle! Of course, Belen ang surname ng kuya ni Lex, gaga ka talaga!

P.S. I'm DyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon