P.S. I Almost Died When They Thought That He's My Crush, Not You

1K 29 0
                                        

March 2, 2002

Dahil MAPEH Month, may mini promenade kami para sa last culmination. Required ang girls na magdress, kahit sunday dress daw pwede na, at sa boys naman, siyempre, toxido or long sleeves.
Nanghiram ako sa pinsan kong dalaga ng dress. Pinahiram niya ako ng pink na floral na sunday dress.

Inayos din ng pinsan ko ang buhok ko, pa-bun tapos mi-nake up-an ako.

May entrance eklabush kasi.

Ang partner ko ay si Christian, seatmate ko. Magkasing-height kasi kami. Gustuhin ko mang si Lex ang matapat sa akin, hindi pwede kasi may kataasan siya sa akin. Wala talaga akong pag-asa kay Lex!

So ayun, mag-uulit sa entrance ang girls, anim na girls sa unahan ng pila dahil may sobrang anim na boys kaming kaklase na walang partner. So ayun, nasa unahan ko si Cherry, pumunta kami ulit sa pila para samahan ang mga classmates naming walang partner.

Natapat sa akin (dahil panghuli ako, pang-anim) si Chester, ang pinsan ni Cherry. Kinabahan ako kasi noong Valentine's Fair sumulat ako sa kaniya at nagdedicate ng song (which is. . .pinagawa lang sa akin ni Rosemay kasi nahihiya siyang baka kumalat na patay na patay siya doon!) so pumayag ako! Pagkagawa ko no'n tapos sinambit na sa mike yung pinasulat sa'kin ni Rosemay sa message booth na ako nga ang nagdala, naabutan ako ni Lester doon! at inakala niyang ako ang may gawa no'n.

Nakakahiya! Hindi ko masabing hindi ako may gawa non kundi si Rosemay kasi maibubunyag ko siya! Kaya hindi ako nagsalita, nanakbo lang ako paalis.

Kasama pa naman niya noon ang tropa niya tapos kinalat naman ng tropa niya! Kaya dead meat talaga ako kahit wala akong gusto doon sa guy. Kaya kanina, noong nilahad niya ang kamay niya sa akin para maglakad sa entrance, hindi ko mahawakan ng maayos kasi:

1. Baka magselos si Rosemay!

2. Baka isipin ni Chester na crush ko nga talaga siya kapag hinawakan ko talaga ang kamay niya!

3. Baka asarin kami ng classmates namin na ikapanselos naman ni Rosemay!

4. Awkward na awkward na ako!!!

Pero kahit anong gawin ko, nangyari pa rin yung No. 3, tumili pa rin sila at mas lalong tumindi yung No. 4 kasi mas lalo talaga akong naawkward!

Siyempre, nagselos nga si Rosemay tapos di niya ako pinansin buong araw.

Pagpasok ko sa room, nandoon si Lex, mag-isa, nagtatanggal ng coat at long sleeves kasi may performance kami mamaya.

Nagulat ako kaya lumabas agad ako ng room, buti nakatalikod siya. Di niya ako nakita!

Naiinis ako kasi imbis na makaamin ako kay Lex, nabaliktad pa! Kumalat na crush ko yung di ko naman gusto. Pero mabuti na lang, wala akong friendship na iniingatan kasama ang Chester na iyon.

Hapon na noon nang nagsasayaw na ang iba dahil tapos na ang program, nakaupo ako sa empty chair, tapos tinabihan ako ni Lex, umiinom siya ng softdrinks.

Tapos tumabi si Toby, picture daw. Nagpicture-picture kaming tatlo. Yes, tama ang iniisip mo.

Picture with Lex.

Tapos umalis na si Toby, isasayaw niya daw yung crush niya sa ibang section, tapos kaming dalawa na lang ulit ni Lex ang natira.

“Ikaw ha, may gusto ka pala kay Chester!” pang-aasar niya. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

If only he knows the truth!

“Anong nagustuhan mo do'n?” kunot-noong tanong niya.

Napairap na lang ako at tumalikod sa kaniya. Wala naman kasi akong gusto do'n! Siya ang gusto ko!

SI LEX LANG.

NAKAKAASAR SIYA.

—Gabe

P.S. I'm dying to admit that it's not really Chester, it is you! You, Lex! I like you! Not him!

P.S. I'm DyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon