LEX

134 14 0
                                    

LEX

Napailing ako nang mabasa ko ang pinaka unang letter ko kay Gabe. Buhay nga naman, ito ang pinaka lumang letter sa lahat ng nandito.

"Lex, I'm home!" napatayo ako galing sa pagkakaupo nang marinig ko ang boses ni Cheska at ngumiti.

"I'm here," bati ko sa kaniya at kumaway. Humalik siya sa pisngi ko nang makalapit na siya sa akin.

"Where's my Maryse?" she asked at sabay kaming naupo sa couch.

"Nasa taas, tulog na."

"Oh. Anyway, how's the Reunion? Did you enjoy?" huminga ako ng malalim at mapaklang ngumiti sa kaniya.

"Hindi ako pumunta, Cheska." kumunot ang noo niya sa akin at agad akong piningot.

"What? I thought you're ready to see her? Alexander, ayaw kong pagsisihang pumayag akong maging ama-amahan ka ng anak ko ha. Kapag iyon nahawa sa katorpehan mo, iu-umpog ko ang ulo mo sa pader! Di kita mapapatawad." naaasar ang tono pero nakangiti pa ring sabi niya.

Napailing na lang ako at saka tumawa.

"Masaya si kuya na ikaw ang napangasawa niya, Francheska."

"Hindi ako matutuwa kung pagkatapos mong ikuwento ang naging buhay mo kasama siya, ay di kayo ang magkakatuluyan. That would be tragic. Mas tragic pa sa pagkamatay ng kuya mo, kasi kami naikasal, at alam namin ang nararamdaman namin sa isa't isa, unlike the two of you." sagot naman niya na may paikot pa ng mga mata.

"Wala akong pag-asa, Francheska May iba siyang gusto." sabi ko sabay ngiti sa kaniya bago nagpatuloy, "She doesn't love me the way I love her. I told you that, right? You did your best. You tried to love me too, para makalimutan ko na siya, and we both know that it did not even work out. You still love my brother and so I still love her. We can't find happiness through each other but through them and that is what tragic is, the fact that they are already gone."

She gave me a pitiful look and then hugged me.

"Makakahanap ka rin, Lex. Marami pa diyan." bulong niya sa akin at saka ako hinalikan sa noo na parang nakababatang kapatid niya. Ngumiti ako.

"Makakahanap ka rin, ate. Marami pa diyan." bulong ko pabalik.

P.S. I'm DyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon