March 12, 2004
Earthquake Drill.
Yung feeling na naka-earphones ka habang nakapikit.
(NOTE: Sobrang lakas ng Music ha, wala ka nang marinig sa background!)
Tapos biglang mapapadilat ka na lang dahil kinurot ka ng seamate mo sa hita
(Note Again: 4th Grading na kasi, si Carla Tamayo na ang seatmate ko!)
Tapos pagkadilat ng mata mo makikita mong lahat ng classmates mo nasa ilalim na ng armchairs nila nagtatago.
Hindi pa ako kikilos no'n ha kung hindi ako tinawag ng Math Teacher ko kaya biglang tago rin agad ako sa ilalim ng armchair ko.
Para pa akong lantang gulay nang manakbo na sila palabas... and unexpectedly dahil... bangag na nga ako at "clumsy" pa as Lex said, nadapa ako!
Nagulat na lang ako nang may humila sa akin patayo at saka ako inalalayan sa pagtakbo.
Sino pa ba?
Yung Senior sa Diamond, siyempre!
Hahaha Kinikilig ako. Imagine that! Yung Junior na tulad ko, aakayin ng Senior na gaya niya!
Kinikilig ako.
Well, ang Senior na iyon lang naman ang co-writer ko sa aming School Paper Org!
Si John Hendrix Bennett
Yep! May John ulit.
Yep! Nagba-basketball.
Yep! Maputi.
Yep! Gwapo.
Nope! Di katangkaran.
Pero, pwede na! HAHAHAHAHA
Kinikilig talaga ako!
Ehem. So ayun, syempre dahil ako ay Junior, magkakahiwalay ang pila namin dahil, 3rd Year pa lang ako at 4th Year na siya! Sa madaling salita. . . nagkahiwalay kami!
Hay. Iba talaga ang nagagawa ng Love. Anong magagawa ko? Nasa 3-Love ako.
Ano kayang mabubuo kapag pinagsama ang Love at Diamond? Hihihihi
Pagkaupo namin sa tapat ng arawan, may nagpaypay sa likod ko. Lumingon ako at nakita si Lex.
“Nakita ko yung kanina, muntikan ka nang bumuhal ha!” sabi niya habang pinapaypayan ako.
Ngumiti lang ako ng tipid bilang pasalamat.
“Gabe, humahamon ka ng pag-ibig kay Bennett ha! Huwag kang ano, nakita ko!” kunwaring kinikilig na sambit ni Mary Maine sa tabi ko.
Sinamaan ko siya ng tingin, natawa lang siya. Grabe, baka naman mag-akala na naman sila! Lintik na false infos kasi eh! Bakit ba kumakalat ang mga hindi totoo? Si Lex ang gusto ko kaya sa kaniya niyo ako asarin!
Pero aaminin ko! Kinilig ako kay Bennett! Yung mahihimatay ba?
Pinabalik na kami sa room. Tapos pumasok yung pulis sa room namin.
May mga sinasabi siya pero wala ako sa muwang makinig.
Napilitan lang akong makinig nang lumapit siya sa pwesto namin ni Carla at tinanong ako ng, “So, Ikaw, Miss. Alam mo ba ang dadalhin kapag unexpected na dumating ang unos?”
Tumayo ako at huminga ng malalim.
'Please, not now. Medyo hilo pa ako!' ayan lang ang nasa isip ko nang tumayo ako.
“Ah?” ayun lang ang nasabi ko and I never open my mouth to speak again.
“Kung may pinaka mahalaga kang kailangang kunin talaga kapag dumating na ang unos na iyon, ano ito Miss?” pag-uulit ng pulis.
I just shrugged tapos tumawag ng iba yung mamang pulis, “Yes, Mr.?”
“Rowell po.”
“Okay, Rowell.”
“Ano po, books or any. . .any hard things na pwedeng ipangcover sa ulo para iwas accident.”
“Yes. Very good. Since, nasa school kayo, it will be books. Did you get it, Miss?” sabi niya at sabay tingin sa akin sa mga huling sinabi niya.
Tumango lang ako ng pilit. Natapos yung kung ano-anong sinabi ng pulis tapos nagbell na naman at nagsitakbuhan na naman ulit kami.
Nasanggi ako ni Toby sa paglabas kaya muntik akong bumuhal kasi ang laki kaya niya! Pero may nakahawak agad sa likod ko.
Si Lex.
Tapos hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palabas ng classroom, habang sinasabing...
“Siguro kung ako may dadalhin kapag dumating ang unos na sinabi ng pulis, ikaw ang dadalhin ko Gabe! Kapag di kasi kita kinuha, maaga kang matatabunan ng kisame!”
That made me stop.
That made my heart stop.
That made me dead for a hundredth time.
But that then, made my dead heart beats faster that I can't even breathe.
That made me nervous.
Nagulat ako sa sinabi niya pero mas nagulat akong tumigil ako sa pagtakbo dahil baka isipin niyang naawkward ako, kaya hinampas ko siya sa braso sabay sabing, “Ang sama mo talaga sa akin!”
Napailing lang siya sabay hila ulit sa kamay ko pababa sa hagdan at papunta sa ground.
Kung ako ang tatanungin. Hindi ko alam kung anong bibitbitin ko.
(1) Kung yung puso ko bang patay na patay na nasa paanan ni Lex o
(2) Yung sarili ko bang patay na patay na nasa paanan ni Lex?
Mahirap mamili.
All the love,
—Gabe
P.S. I'm dying to hold his hand once again... my hand felt empty (without his hand entwining with mine.)
BINABASA MO ANG
P.S. I'm Dying
RomanceFeatured in Romance PH's Teen Feels List Gabe Franciso, an epitome of too much 'sana'. Lex Belen, a victim of TOTGA--and the ephemeral bliss of high school romance that is forever ingrained on a piece of paper. Dying. Reunion. One is the truth, and...
