LEX
I moved on to the next pages as I fixed myself on a seat. Then a page with a heart on it interests me to read it.
-
September 13, 2003
Last night was a great night I have ever had. Hindi ako nakasulat kasi nasa Camping ako kagabi. . . and you wouldn't believe what just happened.
Katabi kong natulog si Lex!!
Oh my God, yes. Katabi ko nga sa pagtulog, katroop ko kasi.
Pagod na kasi kami noon. I think, 1:30 AM na noong pinabalik kami sa tent namin so ako ito kumuha ng tooth paste at tootbrush then niyaya ko siya, sumama siya. Doon kami sa lababo nagtoothbrush.
After no'n, bumalik na kami sa tent and they are all fixed in their sleeping positions na at nag-iwan na lang sila ng space para sa amin. Ang sasama nila! Kaya ayun walang nagawa si Lex kundi sa akin na lang tumabi.
Pagkahiga namin niyakap ko agad ang unan ko at tinalikuran siya. Nasa kaliwa ko kasi siya, tapos sa kanan ko si Mariz na natutulog na.
Hindi ako makatulog kahit anong pikit ko, so tinawag ko ang pangalan ni Lex para malaman ko kung gising pa siya."Oh?" tanong niya.
Kaya humarap ulit ako sa kaniya at laking gulat ko nang sobrang lapit niya kasi lumapit pala siya nong tinawag ko siya. Napakagat labi ulit ako at agad na nagpigil ng paghinga.
Umayos ulit siya ng higa at tumagilid nang nakaharap sa akin at saka ginawang unan ang left arm niya. Then nag-angat siya ng kilay to ask 'what?', na parang wala lang sa kaniya yung moment na nangyari.
Para tuloy kumulo ang tiyan ko at nanginig ang mga paa at tuhod ko.
"Wala. . . di ako makatulog." mahinang bulong ko.
"Ano?" tanong niya na parang di narinig.
Inulit ko ulit tapos kumunot ulit ang noo niya at tinanong kung ano yun kasi di niya marinig kaya lumapit siya ng higa.
"Ano ulit?" tanong niya nang nakalapit ang mukha. Napaiwas ako ng tingin at saka siya sinagot, "Di pa ko inaantok. . ."
"Ah, ako din." pagod nang sabi niya.
Tinignan ko siya bago ako huminga ng malalim."Kantahan mo ko." sambit ko bago pumikit.
Unang mga segundo wala akong narinig na boses niya, siguro di niya narinig.Ayaw ko nang ulitin pa iyon.
Niyakap ko nang mas mahigpit ang unan ko tapos naramdaman kong tinetrace ng daliri niya ang buto ko sa likod ng right hand ko.
Hindi ako dumilat.Ayoko kasi bumibigat na ang dibdib ko, parang sasabog na at di ko na kaya pang huminga.
Feeling ko nanunuyo ang labi ko sa kaba at konti na lang didilat na ang mga mata kong sabik na sabik na makita ulit siya.
Pero bago ko pa tuluyang maidilat ang mga mata ko, narinig ko na ang unang berso ng kantang Ngiti na kinanta niya para sa akin.
Hinga ako nang hinga kasi parang kakapusin ako, then binuksan ko na ang mga mata ko kasi kating-kati na ang mga ito na makita ulit si Lex."Sa iyong ngiti, ako'y nahuhumali. . ." tuloy-tuloy ang kanta niya habang nakatitig sa akin kaya tinakpan ko ng unan ang baba ko hanggang ilong kasi nahihiya ako sa kaniya na titigan ang buo kong mukha.
Hindi ako nagawang patulugin ng maganda niyang boses kasi mas pinanatili lang ako nitong gising.
"Ano, inaantok ka na?" tanong niya. Umiling ako kaagad. No.
I have never felt more awake than this ever in my entire life.
Dumapo ang daliri niya sa silver band sa ring finger ko tapos unti-unti niyang tinanggal yun sa daliri ko.
His touch made me shiver.
Tinignan niya ang singsing at ibinalik kaagad sa kamay ko, "Sa mama mo?"
Umiling ako kaagad. "Nope. Daddy's gift. . . bago siya, alam mo na. . ." natatawang sagot ko.
Nag-angat siya ng kilay, "Bago ano?""Sumakabilang bahay." sagot ko agad, napatango naman siya habang nakatitig sa akin.
"He left you." mahinang sabi niya, tumango ako ng mabagal at huminga ng malalim.
"Gano'n naman talaga eh." sambit ko sabay ngiti, "People come, people go. Huwag mong isiping lahat sila mag-i-stay sa tabi mo, because they don't."
"I'll stay." mahinang bulong niya pero sapat na para marinig ko nang malinaw.
That made me heart race.
I. Can't. Breathe.
LAST NIGHT WAS ONE OF THE UNFORGETTABLES! ♡
All the love,
GabeP.S. I'm dying to hear him say it again.
BINABASA MO ANG
P.S. I'm Dying
RomansGabe Franciso, an epitome of too much 'sana'. Lex Belen, a victim of TOTGA--and the ephemeral bliss of high school romance that is forever ingrained on a piece of paper. Dying. Reunion. One is the truth, and the other one is the result--just to brin...