GABEI stared at the cooking pan, I don't know how to cook. Wala si Ate Rizanne to cook for me, dahil may trabaho na naman siya.
Wala rin si mama kasi umuwi siya sa Bulacan, hindi ako sumama dahil may trabaho pa ako bukas.
Huminga ako ng malalim at binuksan ang fridge.
Kill me now!
Walang noodles para makasurvive ako ngayong gabi, puro frozen goods! Lahat kailangang iluto para makain.
Sinarado ko ang fridge at napilitang pumunta sa sala para magpadeliver na lang ng pizza, tutal gabi na naman.
Pasalampak akong naupo sa couch.
Naiinis ako sa sarili ko.
Bakit ba kasi di ako marunong magluto? Bakit hindi ko kaya, ni magsaing?
Marunong ako sa rice cooker, pero yung sa gas or sa apoy? Knock it off. Don't judge me!
Napahiga ako sa couch at napokus ang tingin ko sa working journal ko sa mesa dito sa living room, sinisimulan ko na ang draft ng article para sa resto ni Lex.
Napangiti ako bigla nang may maalala ako at napakagat-labi na lang.
Ang gabing iyon.
Hinding-hindi ko makakalimutan.
Kahit hindi ko buklatin ang journal ko na hindi ko alam kung saan napadpad, at hanapin ang date na iyon, alam na alam ko pa rin ang araw at pangyayari noon. Kabisadong-kabisado ko pa ang laman ng journal ko, nong naisulat ko ang tungkol doon.
Unang beses akong napagalitan ng sobra.
Unang beses akong lumayas.
Ikalawang beses niya akong. . .
God!Nangyari 'yon lahat noong 2005, 28th Day of March.
Monday should be a good start para sa new week ko. Pero hindi.
I'm already 16 pero hindi pa rin ako marunong magluto o maglaba. Nahihiya ako para sa sarili ko kasi kahapon may nangyari!
Pagdating ni mama galing sa work kagabi, wala pang lutong ulam at kanin. Hinihintay ko kasi siya, si ate kasi nagpaalam na hindi makakauwi.
Nagalit si mama.
Nag-away kami.
Sinabihan niya ako ng masasakit na salita, na wala daw akong alam, walang mararating, tamad, walang silbi. Pabigat lang daw ako kasi wala akong alam gawin, palamunin. Kasi dalawang taon na lang ganap na dalaga na ako pero magwalis lang ang alam ko. Kahihiyan daw ako sa lahat ng kababaihan. Then, I shouted back. I didn't meant what I said kasi siguro gusto ko lang ring masaktan siya kasi sinaktan niya ako, and I regret that I said it.
Sinabi kong,"Hindi ko kaya e, may magagawa ka ba?! Maghanap ka ng katulong kasi di ako katulong. Mahina ako eh! Masisisi niya ba ako?!"
I said, "Sana nandito si Dad para may magtanggol naman sa akin, but no, baka nga siya pa ang ipagtanggol mo! Magsama kayong lahat!"
Then she slapped me.
Tumakbo ako palabas kasi di ako pwedeng doon magstay sa kwarto ko, bubuksan niya ang pinto at mas lalong sesermonan lang ako, na kesyo demonyo na daw ako, na hindi na daw niya ako anak.
So, I ran.
Nakita ko si Lex na dumaan sa harap ng bahay namin, naka-bike. Umangkas ako sa kaniya, inangkas niya ako without questions kasi nakita niyang umiiyak ako.

BINABASA MO ANG
P.S. I'm Dying
Roman d'amourGabe Franciso, an epitome of too much 'sana'. Lex Belen, a victim of TOTGA--and the ephemeral bliss of high school romance that is forever ingrained on a piece of paper. Dying. Reunion. One is the truth, and the other one is the result--just to brin...