Vio Lakosta
Limang taon na ang lumipas. Halos nagawa ko na lahat ng maaari kong gawin, matutunan lahat ng walang kahirap-hirap ang mga bagay bagay. Tingin ko'y isa nalang ang hindi ko pa nagagawa.
Ang lumabas ng bahay.
My parents are Jayvee and Mary Lakosta. Isang magaling na Doctor si Papa at pinamamahalaan niya ang isang malaking hospital, si Mama naman ay isang sikat na manunulat at nag mamay-ari din siya ng isang sikat na coffee shop na tanging sa litrato ko pa lamang nakita.
"Jayv, kindly call Ash to buy some drinks for dinner." Utos ni mama kay papa na agad naman nitong tinalima.
Nag madali akong lumapit kay papa para pigilan siya sa pag tawag kay Tita Ash.
"I can do it Papa! Let me buy our drinks?" Nakangiti kong sabi.
"No!" Sabay na salungat nila ni mama at nagkatinginan ang mga ito.
"Masyadong malayo ang pagbibilhan at delikado sa labas Vio." Paliwanag ni Mama.
Tumungo na lamang ako at walang ganang pumasok sa aking kwarto.
Inilihis ko ang kurtina ng bintana at tinanaw ko ang nasa labas. Alas singko na ng hapon. Gusto kong mahaplos ang mga damo gamit ang aking mga palad.
Mula sa mga damo ay nabaling ang aking paningin sa bahay na katapat ng amin. Dahil nasa ikalawang palapag ng bahay ang aking kwarto ay tanaw na tanaw ko ang hardin ng kapitbahay.
Masayang naglalaro ang isang batang babae gamit ang bisekletang kulay rosas. May kung ano sakaniyang tawa na kinaiinis ko gayong ngayon ko lamang siya nakita.
"Sana ay matumba ang bisekleta kasama siya." Bulong ko na nagkatotoo.
Humalakhak ako. Sa tuwa ko ay binuksan ko ang bintana at sinigawan ito.
"Hoy piglet! Kawawa naman sayo ang bisekleta. Hindi ka kinaya!" sabi ko at muling humalakhak.
Siguro noong bata sina Tita at Ate ganito sila kataba. Para siyang cute size ng malaking drum.
Lumingon siya sa akin at ipinukol sa akin ang isang nakakamatay na titig.
"Baby oinker! Oink oink!" Pang aasar ko pa sakaniya.
"Oh shit, your fat cheeks are burning in anger." bulalas ko ng marahas siyang tumayo at akmang susugod sa aming bahay.
Cute. Hahahaha.
--