V30

7.3K 467 122
                                    

Vio Lakosta

Tumikhim ako habang tinatanaw ko si piggy na abalang nagsasanay ng volleyball sa field. Buong buhay ko ay ngayon lamang ako kinabahan ng ganito. Pambihira!

Humugot ako ng malalim na hininga 'tsaka ko inayos ang mikroponong hawak. I remember a year ago she wanted me to sing the barney song. Hindi ko ginawa. Sino bang tangang kakanta ng ganoon para lang sa taba niya?

Humakbang ako paharap sa bleachers. Kailangan ko ng tapusin 'to bago pa mahuli si dwarfy.

Nang marinig ko ang intro ng kanta ay ipinirmi ko na ang mikropono sa harap ng aking bibig. Natigilan ang mga nasa field gaya ni piglet. Pati ako ay natigilan.

"Araw araw ikaw ang gusto kong kasama." Wengya talaga! Ano ba 'tong ginagawa ko? At bakit ito ang kantang tinugtog ng pandak na 'yon? Ang sabi ko ay barney song.

"Buhay ko'y kumpleto na tuwing nandidito ka. Sa tabi ko o aking giliw di pa din ako makapaniwala. Na ang dati kong pangarap ay katotohanan na."

Umikot ang paningin ng mga nasa field. Naghahanap ang mga mata ng mga ito hanggang sa makita nila ako.

"Ikaw ang tanging inspirasyon. At basta't nandito ka ako'y liligaya."

Hinaplos ko ang batok ko ng mag tama ang paningin namin ni piglet. Wengya! Siguraduhin lang niya na kakausapin na niya ako pagkatapos nito, kundi ay isasako ko na siya at ibebenta sa mercado.

"Dahil sa'yo ako'y matapang. Dahil sa'yo ako'y lalaban. Para sa'yo pagmamahal na walang katapusan. Dahil sa'yo merong pangarap. Pagmamahal ko sayo'y tapat. Para sa'yo pagmamahal na higit pa sa sapat."

Humakbang ako pababa. Hanggang sa makarating ako sa gitna ng mga bleachers.

"Gagawin ko ang lahat para lang sa'yo sinta. At basta't nandito ka ako'y liligaya.."

Humakbang ulit ako pababa.

"Minuminuto naghihintay ng tawag mo. Marinig lang boses mo masaya't kuntento na ko. Wala ng iba pang hahanapin basta't ikaw ang aking kapiling. Lahat magagawa dahil kasama ka."

Napalunok ako habang si piglet ay mukhang naglaway na sa kagwapuhan ko dahil sa nakangangang bibig nito.

"Gagawin ko ang lahat para lang sa'yo sinta. At basta't nandito ka ako'y liligaya.." Pagtatapos ko. Hindi ko na tatapusin ang buong kanta.

Tumikhim ako. "C--Claire. I'm really sorry. Please come back, piggy."

--

The Anatomy Of Vio LakostaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon