Vio Lakosta
Mabilis lang na lumipas ang ilang araw gaya ng mabilis na impormasyong nalaman ko tungkol sa pagkatao ni dwarfy.
Wala na itong mga magulang at tanging tiyuhin na lamang niya ang nakakasama niya.
Ngunit sa mga nakaraang mga araw ay nagkaproblema siya dahil gusto ng tiyuhin niya na huminto siya sa pag-aaral at isinasama siya nito sa malayong probinsiya upang mag trabaho na lamang sa bukid.
Kaming dalawa rin ni dwarfy ang nanalo sa quiz bee at dahil doon ay mas lalong naging makulit ang head ng school upang i accelerate ako, ngunit tinatanggihan ko lamang iyon. Nakailang tanggi na ako ngunit tila hindi ito napapagod. Baka sa susunod na mga araw ay gawin na niyang mandatory iyon.
"You should try it." Sabi ni Jazzy kay dwarfy. Kasama ko sila ngayon sa iisang mesa.
Tahimik kong inuubos ang aking pagkain ng mag isang pumasok si piggy sa cafeteria. Sumulyap ito ng saglit sa aking mesa bago nagpatuloy na mag tungo sa may counter.
Sinundan ko ang bawat galaw niya. Dala ang isang tray ay naglakad siya patungo sa bahagi ng cafeteria na malayo sa akin.
Kumunot ang noo ko ng mapansin ang grupo ng mga babaeng mukhang nagkakatuwaan. Mas lalong lumakas ang pag tawa ng mga ito ng malapit na sakanilang mesa si piggy hanggang sa napatayo ako.
Tumahimik ang buong cafeteria at tanging tunog nang pagtilapon ng mga kasangkapan na nasa dalang tray ni piglet ang maririnig.
"Oh my gosh? I thought you're a pig not a dumbass whale!" sabi ng isa sa grupo ng mga babae.
Pumikit ako ng mariin ng mag simula ang mga bulungan at papalakas na tawa ng mga nakakita sa pagkadapa ni piglet sa sahig. Malalaking hakbang ang ginawa ko upang daluhan siya.
Hinawakan ko ang braso niya at pilit na pinatayo. "Get up."
Napansin ko ang pag hinga niya ng malalim pagkatapos ay tinanggal lamang ang kamay kong nakahawak sa braso niya. Tahimik siyang tumayo at pinulot ang mga nag kalat na pagkain. Lumapit ako at tinulungan siya kahit na mukhang ayaw naman niyang magpatulong.
"Ako na." aniya.
"Ah." Mahina kong usal ng may maramdaman akong humiwa sa aking kamay ngunit hinayaan ko lamang iyon at nagpatuloy sa ginagawa.
"Oops! I'm sorry! I also slipped." Boses iyon ni dwarfy. Nilingon ko siya. Kaharap nito ang grupo ng mga babae na ngayon ay mukhang sinabuyan niya ng spaghetti na kinakain niya kanina.
"What a bitch!" Sigaw ng isa at marahas na tumayo.
Mabilis akong tumayo at sinalo ang kamay ng babaeng umambang sasampalin si dwarfy.
"That's enough." Mariin kong sabi.
"Ha! Sa susunod kasi tumabi kayo. Baka hindi lang spaghetti ang maisaboy ko sainyo. I am telling you, I'm a bit clumsy." Natatawang sabi pa ni dwarfy bago tumalikod at lumabas ng cafeteria kasama si Jazzy.
Napailing nalang ako at nilingon muli si piglet. Tumayo siya at napaatras naman ako ng lapitan niya ang grupo ng mga babae na pinapagpagan pa ang kanilang suot na uniporme.
"I lost my appetite, sainyo na lang." Aniya. Napanganga nalang ako ng isaboy niya ang mga pagkaing pinulot niya kanina.
Pambihira. Gusto kong matawa pero baka ako na naman ang pagbalingan ng galit niya.
Tahimik ko lamang siyang sinundan palabas ng cafeteria. Nag tungo siya sa isang sink na nasa gilid lamang ng cafeteria at nag hugas ng kaniyang mga kamay. Lumapit ako at ibinabad ko na din sa tubig ang aking mga kamay. Habang ginagawa ko iyon ay nakatingin lamang ako sakaniyang nakakunot na noo.
Lumingon siya sa akin. Mula sa aking mukha ay bumaba ang mga mata niya patungo sa aking mga kamay.
"You're bleeding." Aniya at inagaw sa akin ang aking kanang kamay na walang tigil sa pag durugo. Napakurap ako ng siya na mismo ang mag linis niyon sa tubig na bumubuhos sa faucet.
"Go to the clinic." Utos niya habang pinupunasan ang aking kamay sakaniyang panyo.
"I can't. Can you help me? Bring me to the clinic. It hurts.." Wala sa sarili kong sabi.
Umirap siya. "Kamay ang nasugatan hindi ang mga paa mo."
"But.."
"Shh.. Let's go." Aniya at napangiti na lamang ako ng mauna siyang mag lakad.
Nilingon niya ako ng medyo malayo na siya. "Ano na? Baka gusto mong buhatin kita?"
--