Vio Lakosta
Naging mabagal ang takbo ng mga araw ko sa loob ng pitong taon. Isang taon matapos kong lumipad patungo dito sa US ay nalaman rin ni mama kung nasaan ako. Hindi ko alam kung anong ginawa o sinabi ni papa para umabot ng ganoong katagal.
Nang mga sandaling malaman niya ay agad siyang lumipad upang puntahan ako. Ang akala ko ay magagalit siya at ibabalik niya ako sa Pilipinas ngunit humingi lang siya ng tawad sa akin dahil sa paghihigpit na ginawa niya. At pinilit din niya akong tumira sa bahay na binili ni papa para may matirhan ako ngunit tinanggihan ko lamang iyon noon. Mas madali sa akin kung malapit lamang ang tutuluyan ko lalo na dahil mas naging hectic ang schedule ko sa mga nagdaang taon.
Ngayon ay limang buwan na lamang ay matatapos ko na ang pang lima at huling kursong kinuha ko. I decided to go back in the Philippines after this. Kahit hindi hingin ni mama ay alam kong gusto niya akong umuwi sa bahay at isa pa ay ikakasal na si tita Ash kay Shrek kaya kailangan ko talagang umuwi. Si tita Shane mukhang tatandang dalaga. Habang sina ate Teynn at ate Mitz ay abala sa business nila, si ate Aiz naman papalago ang pagmamay-ari niyang Airport kaya mukhang wala pang balak pakasalan ang boyfriend niya.
"Vio!" Si Ayhen na masayang tumatakbo palapit sa akin.
"I won the case!" She beamed and snake her arms around my nape to hug me.
I laugh with her sudden move. Kulang nalang kasi ay higitin niya ako pababa para lang maabot niya ako. Pitong taon na ang nakalipas pero pang pitong taong gulang parin ang height niya.
"Panalo parin ako sa pahirap na Law na yan. Saan tayo? Libre mo!" Tuwang-tuwang sabi niya at bumitaw na sa pagkakayakap sa akin.
"Oops. I'm sorry but my boyfriend is not available." Singit ni Amethy at hinila ako palayo kay dwarfy. Bigla na lamang siyang lumitaw galing kung saan.
Tinawanan lamang siya ni dwarfy. "Stop dreaming Ame. The sky is shinning."
"Hey! Am I late?" Si Damien na palapit sa amin.
"You should wear some eyeglasses and see who is your real boyfriend." nang-aasar pang sabi ni Ayhen kay Amethy.
Tinanggal nito ang pagkakalingkis ng kamay ni Amethy sa akin at pumagitna sa amin.
"You won the case?" Tanong ni Damien kay dwarfy, walang kaalam-alam sa pag-aaway ng dalawa.
Tumango si dwarfy at ngumisi kay Amethy.
"Great! We should celebrate!" He announced.
--
Ikakasal si Ash sa panaginip. 😂😂🔥