V18

7.1K 420 58
                                    

Mamaya pa dapat to kaso may nag comment. Nahulaan niya. Badtrip. 😂😂

--

Vio Lakosta

Nagpatuloy ang ganoong senaryo araw-araw. Sa tuwing maglilinis siya ng bathroom ay lagi na lamang siyang nagrereklamo sa mga lipstick stain. Mukhang nag effort talaga ang mga iyon na inisin si piggy. Ilang lipstick na kaya ang naubos nila at magkano na ang kinita sakanila ng pinagbibilhan nila?

Ika-apat na araw na ngayon ni piggy sakaniyang pagiging janitress. Dahil sa bagot ko sa paghihintay sakaniya ay pumasok na ako ng girls comfort room.

"Hoy anong ginagawa mo?" Tanong niya.

Wala namang ibang tao kundi kaming dalawa lang.

"Gusto mong matigil sila sa pagpapaulan ng lipstick dito?" Nakangisi kong hamon sakaniya.

"Ano na namang binabalak mo? Ayoko na ulit maparusahan no!" Aniya.

Hindi ko siya pinansin at kinuha ang mop sa gilid tsaka ako pumasok sa isang cubicle.

"Hoy anong ginagawa mo diyan?"

"Instead of using that clean water, use the water from the toilet bowl. That's it." Sabi ko pinunasan  ang pader gamit ang mop na sinawsaw ko sa toilet bowl.

"Yuck! Kadiri ka!"

"Nakita ko lang ito sa isang video sa facebook. Why not try it? Baka gumana." Natatawang sabi ko at nagpatuloy lamang sa pagpupunas.

Nang matapos ay sabay na kaming mag punta sa aming magkaibang silid. Sa pasilyo ay nakasalubong pa namin ang apat na babaeng nababaliw na sa pag tawa.

"Tingin ko sila talaga ang may pakana sa pagpapahirap sa akin na mag linis ng cr." sabi ni piggy. Nakalukot ang mukha nito dahil sa inis.

"Wag kang mag-alala tama yang tingin mo." Sagot ko at pumasok na sa aking silid.

Pagkatapos ng klase ay muli ko siyang sinamahan sakaniyang pag lilinis.

Sa kalagitnaan ng paglilinis ay pumasok ang apat na babaeng may pakana ng lahat.

"Oh hindi mo na ba kinaya ang paglilinis Claire at nagpatulong kana kay Vio?" Sabi ng isa.

Hindi ko sila pinansin at pumasok ako sa isang cubicle dala ang mop.

"Omg what are you doing Vio?" Tanong ng isa.

"Ahh naglilinis?" Inosente kong sagot at pinahid na sa salamin ang mop na hawak.

"Sa toilet bowl ang ginagamit mong tubig?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

"Oo. Base on the human study, kailangan parin ng germs ng ating katawan. Hindi rin nakakatulong sa atin ang masyadong malinis." Patuya kong sabi at ngumisi sakaniya. Sabay-sabay naman silang umakto na parang naduduwal.

Nilingon ko si piggy na nagpipigil ng tawa 'tsaka ko siya kinindatan.

--

The Anatomy Of Vio LakostaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon