V21

6.9K 407 55
                                    

Vio Lakosta

"Here." Itinapat ko ang paper bag at ang P.E uniform ko sa siwang ng cubicle door.

"Wag kang sisilip ah? Sasaktan kita!" Pananakot niya at binuksan ng kaunti ang pinto.

"I dont have plans to be mesmerize by your heavy fats, my majesty." Patuya kong sabi at napangiwi. Iniisip ko palang na maiipit ako sa taba niya, hindi ko kakayanin. Wengya!

Mabiliis niyang hinablot ang  mga hawak ko at isinara agad ang pinto.

"May balak ka pa bang lumabas diyan?" Tanong ko.

Mag iisang oras na siyang nasa loob. Hindi na nga kami nakapasok sa klase namin. Pambihirang baboy na 'to.

Napaayos ako ng tayo nang unti-unting mag bukas ang pinto ng cubicle. Nakatungo siyang lumabas doon at suot na nito ang aking P.E. uniform na nag pahugis suman sakaniya.

Pambihira! Kawawang P.E uniform.

"Tara na!" Sabi ko at kinuha ang paper bag na hawak niya 'tsaka lumabas ng comfort room.

Sa labas ay tinignan ko ang laman ng paperbag na tanging laman lang ay ang uniform niya at yung pain reliever. Nilingon ko siya at nakatungo parin siya sa aking likuran.

"Nasaan na yung ibang pads? Isang pack yun ah?" Tanong ko.

"Ginamit ko! Alangan naman kainin ko?" Sagot niya at tinignan ako ng masama.

"Ginamit mo lahat?" napakurap ako ng mamula na naman ang pisngi niya tapos ay dahan-dahang tumango sa tanong ko.

Holy mother of pig.. Paano niya.. Damn!

Kinagat ko ang labi ko, pilit na pinigilan ang sarili ko ngunit nabigo ako at tuluyan na akong napahagalpak ng tawa. Shit!

--

The Anatomy Of Vio LakostaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon