Vio Lakosta
"Minsan napapakinabangan din talaga yang pagiging psycho mo." Natatawang sabi ni piggy.
Nasa cafeteria kami ngayon at nagtatanghalian.
"Halimaw ka kasi. Ang dami mong nakakaaway." Sabi ko at uminom ng juice sa aking baso.
"Ayokong makisalamuha sa mga taong basura at hindi lang naman pakikipagkaibigan ang gusto nila sa akin." Aniya 'tsaka umirap sa hangin.
"Bakit di mo muna subukan?" Tanong ko at nagpatuloy sa pag ubos ng pagkain sa aking pinggan.
"Wow! Eh bakit ikaw dikit ka ng dikit sa akin? Ang dami kayang nagkakagusto sayo diyan. Kaya nga siguro ako pinag-iinitan ng mga yan kasi lapit ka ng lapit sa akin!"
Aba ang lakas naman talaga ng baboy na to. Ako pa ang lumalapit sakaniya ha?
"Kaya ka nila pinag-iinitan kasi inahahanda ka lang nila para sa darating na lechonan." nakangisi kong sabi.
"Haha tapos ikaw pantuhog sakin eh?" Patuya niyang sabi at pinandilatan na naman ako ng malalaki niyang mata.
Masasabi kong ganito na ang pinaka matino naming usapan. Ang mag palitan ng mga pang iinsulto sa isa't isa pero dahil ang gwapo ko hindi ako agad napipikon.
"Pati ba naman sa lechonan gusto mo ako parin ang kasama mo?" Nakangisi kong sabi.
Hindi ko maisip kung saan ako uunahing ituhog sa taba niya. Wengya.
Hindi na siya sumagot at tumayo nalang pagkatapos niyang maubos ang kaniyang pagkain. Walang sabi-sabi siyang tumalikod sa akin.
Nang malapit na siya sa hamba ng pintuan ng Cafeteria ay doon ko napansin ang pulang mantsa sa palda niya. Dahil sa creamy white ang kulay ng uniporme namin ay halatang-halata iyon.
"Hoy piggy! May lipstick stain yang pwetan mo!" Sigaw ko sakaniya na nagpausok na naman ng ilong at tenga niya.
--