V33

6.6K 326 29
                                    

Vio Lakosta

"I don't like her. Wag mo na siyang suyuin." Si dwarfy, nasa gilid ko siya habang binubuklat ang isang math textbook. Kami ang representative ng school para sa isang  quiz bee na gaganapin sa biyernes kaya mag kasama kami ngayon para mag review.

Ilang araw na ang nakakaraan pagkatapos naming makulong sa detention room. At sa mga araw na iyon ay lalo lamang akong hindi pinansin ni piglet. Lalo lamang siyang lumayo.

"Kung gusto talaga niya na sinusuyo mo siya, ang gawin mo ay tigilan mo na. Sigurado akong siya ang maghahabol sayo sa oras na tinigilan mo na siya." Dagdag pa nito. Hindi ko siya pinansin at isinandal ko lamang ang aking ulo sa katawan ng punong sinisilungan namin 'tsaka pumikit.

"V-io." Tawag niya sa akin ngunit nanatili lamang akong nakapikit. Nagmulat lamang ako ng hawakan nito ang braso ko. Malamig ang palad niya at nanginginig ang kamay nito.

Kumunot ang noo ko ng makitang balisa ang ekspresyon niya at parang nakakita ng multo.

"Please hide me.." Nagmamakaawang sabi niya. Tumingin ako sa may entrance gate ng school at nakita ko doon ang isang nasa mid 40's na lalaking kausap ang isang security.

Tumayo ako at sinikop ang mga textbooks na hiniram namin sa library 'tsaka mabilis na hinila si dwarfy patungo sa likuran ng campus. Nanginginig parin siya ng huminto kami, namumutla ang mga labi nito at panay ang likot ng mga mata niya sa paligid.

"What's the problem?" Tanong ko.

"He's going to bring me with him.. Please ilayo mo ako rito." ang takot sa mukha niya ay hindi ko na maipinta.

Madali kong tinawagan ang driver namin pagkatapos ay lihim kaming lumabas ng campus ni dwarfy.

Pumasok kami sa isang cafe para doon na hintayin si manong.

"Uminom ka muna." Sabi ko at iniabot sakaniya ang isang baso ng malamig na tubig.

"Who's that guy?" Tanong ko ng makitang medyo nahimasmasan na ito.

"He's my uncle.. And I dont want to talk about him."

Nang dumating na si manong at tuluyan kaming makalayo ay doon ko lamang napansin ang pagbabalik ng kulay ng mga labi niya. Ang problema ko na lamang ngayon ay kung saan ko siya dadalhin. Hindi pwedeng mag tagal si manong dahil kailangan niya pang bumalik ulit sa school upang sunduin si piglet. Kapag nalaman ito ni Mama ay siguradong lagot na naman ako. Wengya! Bahala na.

--

The Anatomy Of Vio LakostaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon