V36

6.8K 390 71
                                    

Vio Lakosta

Pagkatapos naming kumain ng dinner ay inilapag na namin ni dwarfy ang mga libro sa coffee table na nasa sala.

"Vio, come with me at the library." Ani Mama at nauna ng umakyat sa ikalawang palapag ng aming bahay.

Napakamot ako sa batok at sinundan siya.

"Naka received ako ng email galing sa head ng school ninyo. Nag offer sila na ilipat ka sa higher level dahil sa outstanding performance mo. They're accelerating you." Sabi ni mama. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. Hindi ko makita na natutuwa ba siya o hindi sa nalaman niya.

"Ayoko, Ma. Mas gusto ko ang ganito." Sagot ko. Gusto ko lang na maging normal na estudyante.

"I'll talk to them. And please make more time with Claire." Aniya.

"Is there any problem, Ma?" Tanong ko ngunit umiling lamang siya.

Tumayo siya at pinasadahan ng tingin ang mga bookshelves. "By the way. Hindi ko ipinagbabawal na makipagkaibigan ka sa iba. But know your limits, Vio. You're still a boy."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Mama. Anong ibig niyang sabihin? Pero si piglet pilit niyang pinapalapit sa akin. Wengya!

Nang wala ng idinugtong si Mama ay bumaba na ako sa sala. Kahit na hindi ko na kailangang mag review ay sinamahan ko parin si dwarfy.

Nang nasa puno na ako ng hagdan ay kumunot ang noo ko ng makitang nagbabangayan na naman ang dalawa sa ibaba.

"Hindi ako ikaw para diktahan mo kung ano ang dapat kong gawin." Mariing sabi ni piglet.

"Haha well, I'm glad na hindi ako ikaw." sagot naman ni dwarfy sakaniya.

"Review ba talaga ang ipinunta mo rito?" Naiinis na tanong ni piglet. Humalukipkip siya sa pagkakaupo sa sofa.

"Oo. Ikaw hobby mo na ba talagang mainis araw-araw? Ang pikon mo. Nakakatuwa ka." Singhal sakaniya ni dwarfy.

"Hey, nasa taas lang si Mama baka marinig kayo." Pag awat ko sakanila.

Umikot ang mata ni piglet at tumayo.

"You should sleep now.." Sabi ko.

Umirap siya sa akin. "Sigurado akong hindi mo na kailangan ng review. Bakit hindi ikaw ang matulog?"

Pambihira!

--

The Anatomy Of Vio LakostaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon