V5

11.7K 540 127
                                    

Vio Lakosta

Wala si Mama sa bahay at si Papa lamang ang kasama ko. Abala siya ngayon sa kusina habang nakaupo ako sa isang malambot na bagay at mayroong isang hugis parisukat na may kung ano-anong pinapalabas sa malayong harapan ko. Ang dinig kong sabi ni papa kanina ay telebisyon ito.

Ang galing naman. May mga tao sa loob ng telebisyon. Paano kaya sila nagkasya rito?

Napakurap ako ng may lumabas na isang araw sa bintana. Tapos sumungaw yung ulo nung babae sa pinto kasabay ng kanta.

Good morning, good morning
Dahil sa pampers.
Ang sleep mo, ang sleep mo mahimbing.

Iwas leaks, iwas leaks.
Up to 10 hours.
Masarap. Masarap ang gising.

Pinalo-palo nung bata yung pwetan niya. Tapos nagulat ako kasi bakit nandoon si tita Shane? Kulay blue siya at yung tenga niya kulay rosas 'tsaka nakasuot siya nung pampers. Nakakatawa si tita Shane. Paano kaya siya nagkasya dito?

Ganado, ganado na matuto
Bulaga. Bulaga!
Flying kiss. Flying kiss!

Kumawala muli sa akin ang isang matinis na halakhak at ginaya yung bulaga pati na yung flying kiss nung bata at si tita shane na nag anyong elepante. Nakakatawa talaga si tita Shane. Ang cute niyang elepante.

Tumayo. Tumayo!
Yehey!

"Yehey!" Sa tuwa ko, pati ako ay napatayo at umikot gaya nung ginawa ng bata at ni tita Shane.

Good morning, good morning.
Dahil sa pampers,
Ang saya. Ang saya mag laro.
Ngiting-ngiti. Tuwang-tuwa.
Tuwing umaga.

Lahat lahat ay kaya mo!

Ganado, ganado na matuto.
Bulaga. Bulaga!
Flying kiss. Flying kiss!
Tumayo. Tumayo!
Yehey!

"Yehey!" Tawa lang ako ng tawa habang ginagaya ang mga ginagawa nung bata at ni tita Shane.

Masarap ang gising,
Kapag ikaw ang kapiling!

Hingal na hingal ako ng matapos yung palabas. Hindi parin nawawala yung ngisi sa labi ko.

Alam ng PH care ang pag care sa feminine area mo. Unlike soap, it's pH balanced.

Sabi ng babae sa sunod na palabas. May lalagyan siyang hawak na kulay rosas gaya nung tenga ni tita Shane kanina.

Para far from irritation.

Napalunok ako. Wengya! Bakit nakahubad yung babae? Wala na ba siyang pambili ng damit 'tsaka bakit siya nagbabasa sa tubig? Gusto niya atang mag kasakit..

Napanganga ako. Kusang tumulo yung laway ko. Todo kislap ng mga mata ko.

Fresh and odor free pa.
Care you deserve. PH care.

Wala bang replay?

--

The Anatomy Of Vio LakostaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon