Vio Lakosta
"Hey piggy, panay na ang punta mo dito ah." Puna ko ng maupo siya sa sofa katabi ko.
Kahit na ang mga mata ko ay nasa telebisyon, nakita ko parin sa gilid ng aking mata ang pag-irap niya.
"Umalis na naman si mommy kaya dito muna ako." Aniya.
I turned off the television and make faces. At tulad ng inaasahan kong gagawin niya ay ibinato niya sa akin ang unan na agad ko namang naiwasan.
Pinandilatan na naman ako nito ng harapin ko siya. Buti na lamang ay abala si mama sa kusina at hindi ako mahihirapan na mag panggap na ayos lang sa akin na dito tumatambay ang taba ng batang baboy na 'to.
"If you're not going to say good things better shut your mouth skeleton!" Gigil na sabi niya.
Tumayo ako at iniwan na sya sa sala. Nang nasa hamba na ko ng hagdan ay saktong lumabas naman si mama sa kusina. Badtrip.
"Where are you going Vio? Why not bring Claire to your play room?" Sabi ni mama at wala na nga akong nagawa kundi ang isama siya roon.
She is Claire Collamar but I prefer to call her piggy or whatever words that suited her flabbiness.
"Don't touch anything, understand?" I warned her before opening the door.
"Ooops. I did touch this." She annoyingly said and shook one of my car models collection on her hand.
Sinamaan ko siya ng tingin at agad na kinuha iyon sakaniya 'tsaka ko ibinalik sa lagayan nito.
"Here." iniabot ko sakaniya ang isang remote control.
Inayos ko ang aking remote control race track at ngumisi sakaniya.
"Kung matatalo mo ako, hahayaan na kitang galawin ang kahit ano rito. Pero kung hindi, gagawin mo ang iuutos ko sayo. Deal?" I challenged her.
"What if I don't want?" she asked with a smirk.
"I throw you outside." I said.
"Oh I'm scared?" She laughed.
Hinawakan ko ang braso niya at hinila patungo sa pinto.
"Fine! Let me go skinny kid!" She hissed.
Papayag din pala umaarte pa. Nabaharin na naman ng taba ang kamay ko. Wengya! Kailangan ko ng kausapin si papa para gumawa ng gamot pang kontra sa fat infection.
--