Vio Lakosta
It's been a month. Naging matagal ang pag galing ko dahil sa kakaibang bala na bumaon sa aking dibdib. It's not just a bullet but a microchip that can pulls me to death in three hours, ngunit sa kaso ko ay hindi iyon naging tatlong oras lamang kundi tumagal ng mahigit apatnapung oras. Amethy said that the man did that to save me, pinalitaw nitong patay na ako upang hindi na maghabol sa akin ang kung sinong lider ng mga baliw na grupong bumubuo ng isang formula na hanggang ngayon ay palaisipan sa akin. Save my ass, because of him I got stuck in bed for a month.
Napatayo ako ng tuwid nang lumagapak ang bola at pumuntos ang kalaban nina piglet. Naghiyawan ang mga nanonood samantalang mariin parin ang titig ko sakaniya. Nang matapat ang bola sakaniya ay pinalo niya ito ng walang kahirap-hirap at doon ay nakapuntos sila.
Malaki ang lamang ng kalaban, ang makapuntos sa estado nila ay malaking bagay na. Walang tigil sa pagsigaw sa pangalan ng kanilang school ang kabilang partido kahit na nakapuntos ang mga ito. Pumwesto siya upang mag serve. Huminga siya ng malalim at tinanggap ang bolang ibinato sakaniya ng referee.
Nang pumalakpak ako ay lumingon ang halos lahat sa akin at nangibabaw ang sigaw ko sa lahat ng naroroon.
"Go Claire! You can do it, love!" I cheered.
Naghanap ang mga mata niya. Ang kalamigan ng kaniyang mga tingin ay bumalot sa akin ng magkatitigan kami. Damn. Dapat ba piglet ang tinawag ko sakaniya? Pambihira. Tinatakot na naman niya ko.
Nag bulungan ang mga nasa gymnasium pagkatapos ay nag cheer ang ilan para kay piglet. Nagpatuloy ang laban at hindi na muling lumingon sa gawi ko si piglet. Nanalo sila, mukhang ginanahan ang taba niya pagkakita sa akin. Napangiti ako at hinintay siya sa labas ng gymnasium ngunit nag-iisang oras na akong nasa labas ay hindi ko siya nakitang lumabas kaya pumasok ulit ako ngunit wala ng tao sa loob. Pambihira! Saan na nagpunta ang baboy na 'yon?
Halos naikot ko na ang buong campus na pinapasukan ni piglet ngunit hindi ko siya nakita. Tinawagan ko si mama at tinanong kung nakauwi na ba ito pero nag text lang daw ito sakaniya na gagabihin siya ng uwi at hindi naman daw nagsabi kung saan siya pupunta. Kakauwi lang namin at dito agad ang diretso ko dahil hindi ko na mahihintay ang uwian niya, pagkatapos ngayon ay mukhang iniiwasan pa niya ako.
"Hi! Hinihintay mo ba si Claire?" Tanong ng isang babaeng kadarating lang sa parking lot. Papadilim na ngunit hindi ko parin siya nakikita.
"Yes. Do you know where she is?" Tanong ko.
"May victory party kami ngayon sa club house. Actually kanina pa sila umalis at nagpaiwan lang ako dahil sa last subject ko. Gusto mo bang sumama? Malapit lang naman 'yon!" nakangiting alok nito na ikinatuwa ko.
Madilim na ng makarating kami sa club house na sinasabi ng babae. Sumunod lamang ako sakaniya hanggang sa pumasok kami sa isang VIP room. Agad na hinanap ng aking mga mata si piglet ngunit wala siya sa kahit saang sulok ng kuwarto.
"Yassy! Bakit ang tagal mo? Kanina kapa namin hinihintay!" Sigaw ng isang babaeng tinutukoy ang babaeng kasama ko 'tsaka ito bumaling sa akin. Napakalakas ng tugtog kaya kung hindi siya sisigaw ay hindi ko siya maririnig.
"Hi!" Ngumiti siya at akmang hahalik sa aking pisngi na agad kong naiwasan. Mukhang lasing na ito base sa malamya nitong mga galaw.
"Hahaha stop it Jane! Hinahanap niyan si Claire, nakita mo ba siya?" Pinigilan siya ni Yassy na lumapit pa sa akin.
"Nasa washroom. Mukhang wala na naman sa sarili ang bruhang 'yon!" Natatawang sagot nito.
"My gosh Yassy! Ipakilala mo naman kami sa hottie na kasama mo." Ilang pang mga babae ang lumapit sa amin. Ang isa ay lumapit sa gilid ko at inilingkis ang kamay sa aking braso. Pambihira! Amoy na amoy ko ang pinaghalong alak at sisig sakaniyang hininga. Regaluhan ko kaya ng toothbrush at toothpaste 'to? Mukhang isang taon ng ginugubat ang bibig niya.
Magpapaalam na sana ako upang hanapin ang washroom ng bumukas ang pinto at pumasok si piglet. Walang emosyon siyang tumitig sa amin at saglit na bumaba ang kaniyang tingin sa aking braso na hawak ng babaeng nasa gilid ko pagkatapos ay tumingin siya sa akin.
"See me outside when you're done." Aniya na nakapagpakaba sa akin. Holy mother of shit!
--