Vio Lakosta
Hanggang sa makauwi kami ay hindi parin ako kinakausap ni piggy. Kahit anong pangungulit ko'y wala paring epekto sa taba niya.
"Ma, bakit nagsusungit ang isang babae? Mag bigay ka ng sampung rason. May ginagawa kasi akong tula ipapasa ko bukas." pasimpleng tanong ko kay mama habang abala siya sa harapan ng kaniyang laptop.
Sinulyapan lamang niya ako saglit pagkatapos ay muling humarap sakaniyang ginagawa.
"Baka may dalaw." Aniya. Kunwaring nag tipa naman ako sa laptop na hawak ko.
Kakatapos lang ng dalaw ni piglet.
"Kapag may hindi siya nagustuhan sa ginawa o sinabi mo." Dagdag ni mama habang abala parin sa harapan ng kaniyang laptop.
Pambihira. Simula ng magkakilala kami napupuno na kami ng asaran ngayon pa siya magagalit?
"Kapag hindi mo ginawa ang ini-utos niya sayo."
Ang kapal naman ng taba niya kung gagawin niya kong utusan. Matindi.
"Kapag may sinabi siyang hindi mo napagtuonan ng pansin."
Hindi din. Sa lakas ng boses ni piglet. Dinig na dinig at damang-dama ko bawat salita niya.
"Nagagalit din kami kapag nagugutom."
Naks. Nagugutom pa si piglet sa lagay na 'yon? Kapag tag gutom siguradong mahuhuli siyang mamamatay.
"Baka may nalaman siyang kalokohan ng boyfriend niya."
Boyfriend?
"Kapag gusto niyang magpalambing."
Kumunot ang noo ko.
"Kapag di ka nagpaalam kapag bigla kang mawawala. Mag-iisip na kami ng kung ano-ano at ang malala mag-aalala kami."
Lalong kumunot ang noo ko. Hindi naman kami mag syota ni piglet. Asa naman siya. Kinikilabutan ako.
"Kapag may gustong sabihin pero hindi masabi. Mag gagalit-galitan kami."
"Ayos na ma." Pigil ko kay mama.
Isa lang ang masasabi ko. Kung ganoon ang rason ni piglet ay nababaliw na siya. Pambihira!
--
Sa mga baboy diyan na gusto ng kwentong bampira basahin niyo ang Scared to Death. 😂
Paki-follow na din ang account na to DontTouchMyBirdy
A collaboration of me and DricoDivanne with the participation of VixenneAnne. Thank you. 🔥