Vio Lakosta
Pagkatapos ng aking klase ay lumabas agad ako. Sa pasilyo ay nakita kong naglalampaso si piglet sa sahig.
"Aba janitress kana ngayon?" Nakangisi kong sabi.
"Umalis ka diyan. Tatamaan ka sa akin." Aniya. Tinatakot na naman ako.
Pinanuod ko lamang siya hanggang sa matapos siya. Ito siguro ang ibinigay na parusa sakaniya ng guidance head.
"Ilang araw kang ganiyan?" Tanong ko.
"Isang linggo. Hindi mo ba ako tutulungan? Ang bigat nito!" Tukoy niya sa isang balde na may maduming tubig.
"Wag kang mag alala mas mabigat ka diyan. Kaya mo na yan!" Humalakhak ako at nauna ng mag lakad sakaniya.
"Bwisit ka talaga! Isusumbong kita kay tita." Aniya. Humarap ako sakaniya at patalikod na naglakad palabas.
"Magsumbong ka. Isusumbong din kita sa mommy mo." Sagot ko at inirapan niya ako.
"Sa labas kana mag hintay, ihahatid ko lang ang mga ito." Nakasimangot na sabi niya.
"Mabuti pa nga at hindi ko na matantiya yang amoy mo. Oink oink!" Sabi ko at tinalikuran na siya bago pa niya ako takutin ulit.
Kinabukasan ay maaga na naman akong ginambala ni piglet. Dahil nga sa naparusahan siya ay kailangan niyang pumasok ng maaga. Dahil sa maaga pa at may isang oras pa bago mag simula ang klase ay sinundan ko lamang siya patungo sa maintenance room.
Nagbihis siya ng pang janitress at may hawak na siyang balde at iba pang panglinis.
"Saan ka ngayon?" inaantok pang tanong ko.
"Sa comfort room." Sagot niya.
Humikab ako at sinabayan siya sa paglalakad.
Nauna niyang linisin ang male comfort room. Nakasandal lamang ako sa gilid at humalukipkip. Pumasok ang apat na babae sa pang babaeng comfort room at tawa-tawang lumabas ng ilang saglit.
Madali lamang siyang natapos at lumipat sa pangbabae.
"Tsk! Gagawin ko talagang lampaso ang nguso ng gumawa nito!" Sigaw niya sa loob kaya napasilip ako.
Nakita kong marahas niyang pinupunasan ang salamin. Puno iyon ng kiss mark lipstick pati na ang pader at mga cubicle.
Imbes na maawa ay tinawanan ko lang siya ng lumingon ito sa akin at may lipstick stain sa tungki ng kaniyang ilong.
--