Vio Lakosta
Tumingala ako sa madilim na langit. Nagulo ng malamig na hangin ang aking medyo may kahabaang buhok ngunit hinayaan ko lamang iyon. Yumuko ako upang kumuha ng maliit na bato 'tsaka ko iyon inihagis sa bintana ng kwarto ni piggy.
Ilang beses ko iyong ginawa bago sumindi ang ilaw sa loob ng kwarto niya at buksan nito ang bintana.
Nagkatitigan kami saglit bago siya bumaba. Inaantok itong lumapit sa akin at humalukipkip siya sa harapan ko.
"You're not supposed to be here.. What do you want?"
Napangiti ako.
"Maibibigay mo ba ang gusto ko?" Tanong ko pabalik sakaniya.
Tumaas ang kaliwang kilay niya bago umirap.
"How are you?" Seryosong tanong ko ng hindi ito sumagot.
"I'm fine. Just go home Vio. Gabi na."
Tumango ako. Hinila ko ang ulo niya upang yakapin.
"I--I'm leaving. Take care of yourself." I stuttered. Hinigpitan ko ang pagyakap sakaniya.
"You should leave. Magagalit si tita kapag nalaman niyang nagpunta ka rito." Aniya at pilit na kumawala sa aking pagkakayakap.
"I'm flying to the US this evening." Sabi ko at naramdaman ko ang pagkakatigil niya sa pagpupumiglas sa aking yakap.
"Kailangan mo ng bumalik sa bahay niyo, tingin ko ay kailangan mo pang mag pahinga. Matulog kana." Natatawang sabi niya ngunit hindi ko mahanap ang tuwa sakaniyang tono.
"And I think you should eat more. Lalo kang pumayat, natutusok ako sa six pack ribs mo. Umuwi kana.." Dagdag pa niya.
Imbes na maasar sa sinabi niya ay natawa pa ako. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap sakaniya nang bumalot ang saglit na katahimikan sa aming dalawa.
"I'll make six pack abs, do you want it?" mapaglarong tanong ko.
Hindi siya sumagot, naramdaman ko lamang ang pag gapang ng kaniyang mga kamay sa aking likuran at pagsubsob ng kaniyang mukha sa aking dibdib. Pagkatapos ay narinig ko na lamang ang mahinang hikbi niya. Shit.
"Why are you crying?" may kung anong takot sa aking boses. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang umiyak.
Nakakatakot na isang salita niya lang ay mag bago ang isip kong lumipad patungong US, ngunit hindi iyon nangyari ng mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya at hindi sumagot sa aking tanong.
She just hug me and let go of me without a word. Nang makita ang pumaradang sasakyan sa tapat ng gate nila ay mabilis siyang tumakbo papasok sakanilang bahay.
Pwede pa bang umatras? Damn.
--
Anong gusto niyo?
Mahabang update pero matagal na update o konting update pero araw-araw na update? 😂😂🔥