Vio Lakosta
Agad kong binitiwan ang gitarang hawak at mabilis na lumapit sa harvard yard girl upang hilahin siya palayo sa lugar.
Kahit na naririnig ko ang pagtawag ng iilan sa aking pangalan ay hindi na ako lumingon. Nang makalayo kami ng tuluyan ay doon ko lamang binitiwan ang kamay niya.
"Where are you going? It looks like you're missing. I can accompany you, if you want." Tanong ko sakaniya.
Napakamot ako sa aking ulo ng makitang tulala lamang ito sa akin.
"Are you okay? Is there something wrong?" Tanong ko.
Baka naman nababaliw na 'to at kakatakas lamang niya sa mental. Kanina pa siyang mukhang wala sa sarili. Kahit na maganda siya at sexy hindi ko parin masasabi na maayos ang tuktok ng utak nito.
"There's no need for that. I already know where it is." Sagot niya ng makabawi siguro sa kagwapuhan ko. Wengya! Tama. Natutulala 'to sa kagwapuhan ko.
"Are you sure? I have a lot of time tonight." Pamimilit ko pa sakaniya. Pambihira, ako na ata ang nababaliw. Nakakahipnotismo ang mga mata niya.
"Are you hittin' on me?" Nakataas ang kilay na tanong niya at dahil sa tanong niya ay napanganga ako.
Tangina. Kailangan ko na talagang umuwi ng Pilipinas. Nagkakasala na ko kay piglet.
"Oh! The perks of living in this country. You can flirt all you want huh?" She mocked.
"I'm not hitting on you. I'm just trying to do a good deeds and help you. And I already have my girl. Her name is Claire." seryoso kong sabi.
Ang nagmamalditang mukha niya ay unti-unting umamo at tinignan ako na parang naguguluhan.
"Just take care, there's no room with stupidity here. I'm leaving." Paalam ko sakaniya.
Tumalikod na ako at ilang hakbang ay nakaramdam ako ng isang matigas na bagay na tumama sa aking ulo.
"Nakakainis ka paring payatot ka!" Sigaw niya na nagpabilis sa tibok ng aking puso.
Nakangangang lumingon ako sakanya. Nakapameywang siya at nagpupuyos sa galit ang pisngi niya. Humakbang siya palapit at napaatras ako. Ang akala ko ay susugurin niya ako ngunit pinulot lamang niya ang kaniyang nabasag na cellphone pagkatapos ay humarap ulit sa akin.
"Are you--" pinutol niya ang sasabihin ko.
"Run, Vio!" Sigaw niya na nagpatalon sa akin pagkatapos ay tinitigan ko siya ng mariin.
What the hell?
"I said run! I'm gonna hit you!" Aniya at napatakbo na nga ako ng makitang seryoso ito.
Sa pagtakbo ko ay doon lamang naproseso sa akin ang nangyayari. Napangisi ako at unti-unting binagalan ang aking pagtakbo hanggang sa tumigil ako at humarap sakaniya. Nang malapit na siya ay humakbang ako palapit sakaniya pagkatapos ay hinila ko ang kamay niya saka ko siya niyakap.
"Damn. You are really my piglet. Naririnig ko parin ang marahas na pagtibok ng puso ko tuwing hinahabol mo ko." nakangiting sabi ko at hinigpitan ang yakap sakaniya.
They said I'm perfect. Ginawa ako at isinilang na perpekto ngunit tingin ko ay nakalimutan nilang gawing perpekto ang puso ko dahil para na itong sirang plaka na paulit-ulit na sinisigaw ang babaeng nasa bisig ko ngayon.
--
Kasalukuyang nakakaranas ng piglet flu ang katawan ni Vio. Maghanda sa maaaring virus na ikakalat ng team #VioFlu. 😂🔥