V22

7.1K 395 37
                                    

Vio Lakosta

Sinamahan ko na lamang sa clinic si piggy. Mas magandang si Nurse Jeaneth na ang kumausap sakaniya tutal ay pareho naman silang babae at magkakaintindihan sila, mukhang pareho naman silang may topak sa tuktok. Hindi na rin kami pumasok sa pang hapong klase dahil sa nabigay na ni Nurse Jeaneth ang excuse letter namin.

Nag kunwari akong nahilo dahil sa pagpabalik-balik ko sa Clinic kaya nakatulog ako ng mahimbing sa isang clinical bed. Ang dali naman kasing utuin ni Nurse Jeaneth.

"Hoy Vio wala ka bang balak umuwi?" masungit na tanong ni piggy.

"Meron. Ikaw may balak ka bang mag palit? Nangangamoy kana." Sabi ko at bumangon na.

"Nakakainis talaga yang bibig mo!" Galit na sabi niya at padabog na lumabas ng clinic.

Napangiti ako at sumunod na sakaniya.

"Tita! Nakakainis na talaga si Vio!" Sumbong niya kay mama pagkarating namin sa bahay. Dito kasi kami tumutuloy kapag uuwi. Pagkatapos ay susunduin na lamang siya ng kaniyang Mommy o kaya ay si Manang Celi na kasambahay nila.

"What did you do this time Vio?" Nakakunot noong tanong ni Mama.

Pambihirang baboy na to. Pabigat talaga sa buhay.

"I just go to the clinic, asking for a pack of napkin and a pain reliever. Helping her with her smelly thing Mama." Nakangiti kong sagot kay Mama. Ang kaninang madilim na mukha niya ay unti-unting lumambot.

"Oh my god! You are having your first day? Dalaga kana!" Natutuwang sabi ni Mama kay piggy. Nakalimutan na ang reklamo nito tungkol sa akin.

Lumingon sa akin si piggy at ipinukol ang nakakamatay na tingin niya. I just stick my tounge out and make my way upstair.

--

The Anatomy Of Vio LakostaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon