Vio Lakosta
Ilang araw na ng makauwi ako galing sa hospital. At ilang araw na din akong hindi nakakapasok sa school dahil ayaw akong payagang lumabas ni mama.
"He needs to stop. Actually, he really don't need a school, Jayv. Matalino si Vio at lagpas pa ang kaalaman niya sa tinuturong curriculum sa mga eskwelahan." Dinig kong sabi ni mama. Pababa sana ako ng kusina para makainom ng tubig.
"Ma.. Vio is our son. Kailangan niya paring makisalamuha sa iba gaya ng normal na bata." Ani papa.
Pumikit ako at nagpasyang bumalik sa aking kwarto. Ilang araw na rin akong nagreresearch ngunit wala parin akong makuhang sagot sa lahat ng nababasa ko sa internet.
Humiga ako sa aking kama at nakipagtitigan sa kisame. Ilang araw na rin ng huli kaming magkita ni piggy. Hindi na siya tumutuloy dito sa bahay tuwing uuwi siya galing school. Tanging ngiti at katahimikan lang ang naging reaksyon niya sa mga huling sinabi ko sakaniya. Hindi ko alam kung anong iniisip niya hanggang ngayon. Hindi rin siya sumasagot sa text at tawag ko sakaniya. Pambihirang baboy na 'yon, tingin ko ay sakaniya ako mababaliw pagdating ng araw.
Tinignan ko ang aking cellphone. Tumunog iyon dahil sa isang notification sa aking email. Napaupo ako mula sa pagkakahiga ng makita ko kung saan galing ang mensahe.
Binuksan ko iyon at natulala agad ako sa resulta.
Lumabas muli ako ng aking kwarto at nag tungo sa library. Nadatnan ko si papa na nakahilig sakaniyang swivel chair. Nakapikit man siya ay alam kong gising ito dahil sa paglalaro ng kaniyang mga daliri sa kaniyang mesa.
"Pa."
Umayos siya ng upo at ngumiti sa akin. Iminuwestra niya ang upuan sa harapan ng kaniyang mesa ngunit nanatili lamang akong nakatayo. Unti-unting nawala ang ngisi niya nang pasadahan ko ng aking kamay ang mga librong nasa shelves na saulado ko na simula ng limang taong gulang ako.
"What do you think about Harvard University?" tanong ko. Ang aking mga mata ay nasa shelves parin.
Ilang minuto ang hinintay ko. Nang lingunin ko siya ay nakatitig lamang ito sa akin.
"Have you told your mother about it?" Tanong niya. Mariin parin ang titig niya sa akin na para bang pinag-aaralan niya ang bawat anggulo na meron ako.
Umiling lamang ako bilang sagot. Siguradong hindi papayag si mama sa gusto ko.
Napansin ko ang paghinga ng malalim ni papa bago niya hilutin ang kaniyang sentido. Napangiti ako na hindi abot sa aking tenga, ang malamang hindi niya ako pipigilan sa gusto ko ay sapat na sa akin upang magpatuloy.
"Don't worry about the cost. They offer me a full scholarship." Sabi ko at ipinakita sakaniya ang resulta ng exam na kinuha ko noong isang araw.
--