Vio Lakosta
"Hintayin mo ako rito. May babalikan lamang ako." Paalam ko kay dwarfy.
Dinala ko siya sa bahay dahil iyon na ang pinaka malapit at pinaka safe na lugar na pwede kong pag iwanan sakaniya. Wala pa si Mama at siguradong late ng uuwi si Papa.
Sumakay muli ako sa kotse at sumama kay manong para sunduin si piglet. Kahit na anong badtrip ko sa ginagawa niya ay hindi ko parin siya kayang pabayaan.
She's strong outside but I know better. Ang kinaiinis ko talaga ay ang hindi siya nagsasabi sa akin. Hindi lang ito dahil sa pang-aasar ko sakanya. Hindi lamang tagos sa taba niya, alam kong may malalim pa siyang dahilan.
Pagkadating namin sa school ay naghihintay na ito sa laging pinagtatambayan namin dati kapag sabay kaming naghihintay kay manong.
Bumaba agad ako ng kotse at pinagbuksan siya ng pinto.
"Hop in, my beautiful piglet." Nakangisi kong sabi. Inirapan lamang niya ako. Matindi! Ngayon ko lang siya sinabihan ng maganda, na seenzoned pa ako.
"How's your day?" Tanong ko na hindi niya pinansin. Inilabas niya lamang ang iPod niya 'tsaka ipinasak ang earphone sa magkabilaang tenga niya.
Sumandal ako sa headrest 'tsaka ko inagaw ang isang earphone sakaniya.
Napangisi ako ng marinig kong nag play ang 'Dahil sayo' na kanta.
"Naks. Its your favorite song now hmm?" Nakangisi kong tanong sakaniya.
"Shut up! Akin na nga yan!" Nabibwisit na sabi niya at pilit na inaagaw sa akin ang earphone.
Lalo lamang akong napangiti. Hinawakan ko ang braso niya at ipinatong ko sa balikat niya ang gilid ng aking ulo 'tsaka ko sinabayan ang kanta.
"Ipinagdarasal ko ng sobra na sana'y tanggapin mo aking inaalay. Na pasasalamat sa pagliliwanag ng buhay kong ito. Na dati rati'y di ganito na kay ligaya." pumikit ako at hinigpitan ang pagkakahawak sa braso niya.
"Oh tanggapin ang regalo. Oh mga rosas at choco. Liliwanag din ang buhay mo pag nilabas ko na ang puso ko."
Wengya! Maliligo nalang ako ng alcohol mamaya. Mahahawaan na naman ako ng taba niya. Tsk!
--