Vio Lakosta
"Marunong ka ba talagang mag drive?" tanong ni piglet.
"Oo naman." Sagot ko, pero ang totoo ay ito ang unang paghawak ko sa manibela.
"Sigurado ka? Muntik na tayong mabangga kanina!" Pinandilatan niya ako at napahalakhak ako ng mapansin ang pagkakahigpit ng hawak niya sa seatbelt.
"Nadulas lang ang kamay ko sa manibela. Nabahiran kasi ng taba mo." Nakangisi kong sabi.
Madalas kasing nasa passenger seat lang ako tuwing kasama ko si Damien at napapanood ko lamang ang ginagawa niyang pagmamaniobra sa driver's seat, hanggang sa makabisado ko ang bawat galaw niya at iyon ang ginagawa ko ngayon.
"Anong gagawin mo dito?" agad siyang bumaba sa kotse at pinasadahan ng tingin ang buong harapan ng mansyon.
Hindi ko siya sinagot ng makitang lumabas ng mansyon si Mr. La Fonte at salubungin kami.
"Good afternoon, sir." pagbati ko dito na siya ring ginawa ni piglet.
"I have prepared your lunch. Eat first before leaving." Aniya. Mukhang nagmamadali ito at nagpaalam agad sa amin.
"Sino 'yon? Ang gwapo niya!" Sabi ni piglet na kumikislap pa ang kaniyang mga mata na halatang may iniisip na kung anong kamanyakan.
"Tss. He's too old for you and I bet, ang mga tipo niyang babae ay hindi ang kagaya mo. Just get your butt inside piggy." Sabi ko at tinitigan siya ng mariin.
Umingos siya at pumasok sa mansyon. Wag niyang sabihing nagkagusto siya ng ganoong kadali kay Mr. La Fonte? Binabadtrip ako ng baboy na 'to. Love at first sight? Kalokohan.
Wala parin ako sa mood hanggang sa matapos kaming kumain at makapagpahinga.
"Hoy skeleton. May problema ka ba? Hindi ka ba natunawan?" tanong ni piglet pero hindi ko siya pinansin at tumuloy lamang akong sumampa sa yate.
Nang nasa taas na ay iniabot ko sakanya ang kamay ko na tinanggap naman niya.
"Saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong niya at dahil nababagot parin ako ay tinalikuran ko lang siya saka ko pinuntahan ang kapitan ng yate.
"It's a good weather." puna ng kapitan. Tinanguan ko ito at pinanood si piglet na mukhang nasisiyahan sa tanawin ng dagat. Buti nalang ay naisama ko siya at may salbabida ako mamaya.
Lumabas lamang ako ng malapit na kami sa isla. Tama lamang ang layo kung saan ang pinahanda ko para kay piglet.
"Are you going to swim?" She asked.
Iniabot ko sakaniya ang mga gagamitin niya. "We're going to trek."
"Hindi ko alam kung paano lumangoy!" pag-angal niya.
Ngumisi ako. "Hindi ka malulunod. Lulutang ka lang."
"Tss!" padabog niyang binitawan ang mga iniabot ko sakaniya at napanganga ako sa sunod niyang ginawa.
"Hoy piglet! Anong ginagawa mo?" Natatarantang tanong ko. Hindi alam kung lalapitan ko ba siya para pigilan o lumayo nalang sakaniya.
Nang tuluyan niyang nahubad ang kaniyang suot na dress ay tumambad ang kulay puting two piece nito. Shit. She's not prepared huh?
"We're going to trek right? Alangan namang mag dress ako sa ilalim ng tubig?" patuya niyang tanong.
Hinila ko ang braso niya bago pa siya makatalon. Talagang walang alam sa ginagawa niya. Mabilis kong sinuot sakaniya ang isang sea trek helmet at sumenyas na ako ang mauunang bumaba bago siya.
Nang makababa na kami ay napansin ko ang pagkakagambala ng mga isda sa tuwing sinusubukan niyang lumapit sa mga ito. Natawa ako sa aking isipan. Kulang nalang ng apoy at kawali. Siguradong pwede na silang iprito gamit ang taba niya.
Hinayaan ko siyang maaliw sa bawat nadadaanan namin. Nang malapit na kami sa lugar na inihanda ko ay pinauna ko siyang maglakad patungo roon. Nang makita niya ang mga pina-arrange kong bulaklak ay nilingon niya ako. Ang makitang natutuwa siya sa mga nakikita niya ang nagpagaan sa aking naramdaman na inis kanina.
We stay a little longer. We take pictures together and make some funny pose with the coral reefs. She's having fun with the beautiful sea creatures, while I'm having fun with her smile and her, well uhh.. With underwater scenery including her body. I mean.. yeah, with the underwater scenery and creatures.
--