V15

7.5K 373 66
                                    

Vio Lakosta

"Tara na kasi! Please Vio. Ang gwapo gwapo mo pa naman. Habulin at pinipilahan ka talaga ng mga babae kaya pag bigyan mo na ko. Please?" Nagmamakaawang sabi ni piggy habang hinihila ang aking braso patungo kung saan ngunit kahit anong hila niya ay hindi niya ako maitangay kung saan.

Puro taba lang kasi. Walang buto at lakas.

Dahil nga maaga kaming nagsara ng booth namin ay niyayaya naman ako nitong mag libot sa ibang booth. Sigurado ako na pagkain lang ang habol ng baboy na 'to.

"Oo na. Bitawan mo na ko, naglalangis na ang braso ko sayo kakahawak mo." sabi ko at pinanlakihan na naman niya ako ng mga mata.

Nauna akong mag lakad sakaniya. Dahil sa maliit ang mga binti nito ay lakad takbo siyang sumasabay sa akin.

"Bagalan mo naman! Sasaktan talaga kita kapag nawala 'tong taba ko dahil sayo!" Aniya na nagpatigil sa akin.

Nakangising nilingon ko siya. Hinawakan ko ang palapulsuan niya at nagpatuloy sa paglalakad.

"Tama. Alagaan mo yang taba mo, pinag ipunan mo yan." Natatawang sabi ko.

Una naming pinuntahan ang isang made to order ice cream rolls booth.

"Naglalaway yang nguso mo." puna ko ng matulala siya sa ginagawa ng isang babae. Napalunok pa siya, halatang natatakam ang baboy.

"Isa nga sa akin." sabi ko sa babaeng nagtitinda.

"Bakit isa lang?" tanong ni piggy.

"Huh! Bumili ka ng sayo. Asa ka namang ililibre kita." sagot ko.

"Wala ka talagang kwenta!" Aniya.

Asa naman ang baboy na 'to.

"Bitawan mo na nga ang kamay ko, hindi na tayo naglalakad. Tsansing ka lang eh!" naiinis na sabi pa niya.

Napatingin ako sa kamay kong hawak parin ang palapulsuan niya. Asa talaga ang baboy na to. Marahas kong binitawan ang kamay niya.

"Wala namang katsansing-tsansing sayo." Bulong ko at tinalikuran na siya. Badtrip.

--

The Anatomy Of Vio LakostaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon