Vio Lakosta
Hindi naging kaaya-aya ang hapunan para sa akin. Agad kong tinapos ang aking pagkain at nagpaalam sa hapag. Diretso ang akyat ko sa aking kwarto ngunit ilang saglit lang ay kinatok ako ni mama.
"Vio, bumaba kana riyan at samahan mo ang anak ng bisita." Aniya.
Busangot akong bumangon sa pagkakahiga at ngumiti ng pag buksan ko ng pinto si mama.
Napilitan akong lapitan ang maliit na biik at pakisamahan siya sa harap ng lahat.
Nang mapag-isa kami sa sala ay napangisi ako.
"Hey piggy. Isa ngang oink diyan." Utos ko sakaniya.
"I knew it. You are nothing but a plastic skeleton. Mabait ka lang kapag nakaharap sila." Aniya at pinandilatan ako ng kaniyang malalaking mga mata.
Para siyang baboy na naging tarsier. Nakakatakot ang kaniyang mga mata. Parang isang damba lang sa akin ay mamamatay ako.
"I'm just doing what they want because I want to make them happy." I said and shrugged.
"You're not. You just want their attentions."
Kumunot ang noo ko at pinigilan ko ang sarili kong sumagot sa paratang niya, ngunit masyado akong naiinis at sisigawan ko na sana ito nang dumating ang inang baboy na si Tita Shane, sa likuran niya ay sina mama.
"I'm Saved!" Mapang-asar na sabi niya at tumayo na.
Wala akong nagawa kundi ang katayin siya sa pamamagitan ng aking mga titig.
Hinatid namin sila sa puno ng pinto. Nagpasalamat si mama sa ina ng maliit na biik at bago sila tuluyang umalis ay lumapit sa akin ang cute size na drum 'tsaka ako hinalikan sa pisngi na ikinagulat ko.
Wengya?
"Goodnight Violak!" Masigla niyang sabi na ikinatawa nilang lahat.
Oh shit. Ang mapangahas na baboy ay binahiran ng taba ang aking gwapong pisngi!
--